Ayaw na uminom ng toddler ko ng gatas.

Goodevening mommies! Nababahala na ako ng sobra kase bigla nalang nagrefuse ng gatas (formula milk) ang toddler ko na 1yr and 6mos old. 6th day nya na ngayon na no formula. Mixed feeding na ako since nung 6th month nya kaya nagtaka ako na bigla na lamang syang umayaw sa bottle milk at mas gusto nalang ng direct latch. Kakaunti nalang din ang breastmilk ko kaya ako nagwworry na hindi na enough yung nutrients na nakukuha nya sa gatas. As of solid feeding naman, bigla rin syang nagshift sa kanin. Okay naman ang solid food at water intake nya. Nag aalala lang ako sa milk feeding nya. Sinubukan ko na rin pala magpalit ng milk kaya lang ayaw nya pa rin. Help naman sa mga mommies na nakaranas ng ganitong situation. Ano po ang kelangan kong gawin? 😒

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply