Pananakit ng ribs sa kaliwa: Normal ba?
Good am po. 4months nako simula nung nalaman kong buntis ako. Simula po nun nag search ako kung ano magandang posisyon pag natutulog ang buntis. Based po sa mga nabasa at napanood ko maganda daw kung sa left side lagi natutulog ang buntis. Simula nun lagi nako sa kaliwa natutulog. Pero nung isang araw biglang nakaramdam po ako ng sobrang pananakit ng ribs sa kaliwa ko. Sa may baba ng boobs. Hndi ko na po ngayon makayanan matulog sa kaliwa kasi may sobrang sakit na buto sakin. Kahit nga po iikot ko lang ang katawan ko para lumipat sa kanan ay sobrang sakit parin po. Kada galaw ko matulog nasakit na yung left side ko. Ano po kayang dahilan? :(