Need advice!!!
Good morning po tanong ko lang po turning 2 months na po baby ko and yet di pa nareregistered kasi katwiran ng boyfriend ko wala daw byahe pero pwede naman sya umarkila ng sasakyan kasi sabi po sakin pag di daw kasal kailangan pirma ng ama by the way my province is batangas kaya dun ako nanganak at isa pa nurse ang tita ko dun sa hospital na pag aanakan ko kaya nagdecide kami na sa batangas na manganak and unluckily wala yung boyfriend ko nung nanganak ako kasi wala daw byahe kaya until now di pa nareregister si baby ay ang masama po nito hiwalay na kami ng boyfriend ko sya po yung umayaw kasi paulit ulit daw ako about sa birth certificate ni baby mali po ba ako nun? Kung tutuusin nga po sobrang late register na si baby e kasi turning 2 months na sya at habang tumatagal mas mahirap pag late register. Masama po nito hindi po alam ng parents ko at lola ko na wala na kami gusto kasi ng lola ko at parents ko ikasal pa kami kasi kawawa ang bata po kaya yun balak ko din ipa apelyido sakin ang bata tutal di pa naman po nareregister birth certificate ni baby e. Ano pong magandang gawin na e stress at depress na po ako ng sobra ☹️