Pa answer naman po please?
Good morning mga mommies. Pinag lilihian ko po kasi ata maasim na sabaw. Kaya lagi ako nagpapabili sa lip ko ng sinigang mix tapos yun lang ang gagawin kong sabaw. Okay lang po ba yun? Nabasa ko kasi masama daw yung sobra sa maasim . Kaso hindi ko po mapigilan eh. 2 months preggy po ako.
Sampalok na fresh nlng ilagay mo sis oh kaya hilaw na mangga achieve prin nmn ang asim. Ako mahilig din sa sinigang na ulam since mas gusto ng panlasa ko ang maasim ganyan ginagawa kong alternative nilalagyan ko rin ng gulay
Okay yung sabaw pero masama yung sinigang mix. Medyo maraming betsin at masama po yun sa baby. Try sabaw with natural foods n lang po.
Same tayo, sis. Ayaw ko ng ibang maasim maliban sa sinigang. Pero dapat moderate lang 😉
Salamat po sa mga sumagot. Iiwasan ko na lang para mas sure na safe si baby 😭.
Bakit naman po kasi purong sinigang mix? Better po na haluan mo ng mga gulay.
May MSG ate kaya iwas iwas na rin. Magluto ka nalang sis na natural yung asim
Masama po yata yung sinigang mix dahil sa ingredients nya po.
Moderate lang sis wag sobra, lalo na 2 mos preggy ka plang