Hemarate vitamin
Good morning mga mommies! Ask ko lang po meron ba sainyo dito umiinom ng vitamins na hemarate? If meron ano po effect sainyo? Sakin kasi mahapdi sa tyan after ilang mins ko na itake, then kasunod na nun magsusuka na ako..plan ko wag na sya inumin bukas. I’m currently on my 13weeks and so far kasi maswerte ako na di ako naglihi. I mean wala po ako naramasan na any pagsusuka or hilo sa loob ng 13weeks. But tuwing umiinom ako ng hemarate sumusuka ako..thank you..
Hi mommy! Hemarate FA din po tinetake kong vitamins. and grabe din po pag aacid reflux at heartburn ko sa hemarate. Ang ginawa ko po para malessen ang side effect is, iniinom ko po siya ng hindi na ako ganon kabusog. or minsan yung pag antok na antok na ako para diretso tulog. Pero nung nag palit po ako ng OB, sinabi ko yung mga concerns ko saknya about my vitamins. then nagulat siya bakit daw pinag hemarate na ako e 9 weeks palang ako. matapang daw po talaga yan and pang 7mos daw po ang hemarate. so pinalitan niya po yung vitamins ko. If ever pong di effective yung mga nauna ko pong solusyon. iopen up niyo po siya sa OB niyo try niyo po mag request ng ibang vitamins na pwedeng alternative. minsan po kasi hiyangan din talaga sa vitamins po
Magbasa payan din po nireseta ni o.b ko effective nmn sya mganda yong daloy ng dugo ko at pati na bp stable lagi kya gusto sya inumin ako gawa ko 30mins. before po ako magalmusal tpos kainum ko nmn okay lang sya sakto lang hapdi ng sikmura ko tpos kpag mejo feel ko nasusuka ako kakain na po ako nun pra ndi na tumuloy pagsusuka ko kaya ayon for me okay sya at mganda po
Magbasa paMay laman po ba tiyan nyo before kayo mag take? Try nyo po na mga take na 30mins before meals at kung di naman after meals. Observe nyo po kung nasusuka pa din kayo. Yung sakin kasi ginawa ko wala pa laman tiyan. Prang mas okay kesa pag nakakakain na ko.
isang beses lang ako nasuka dito. ininom ko sya nang walang laman ang tiyan sa umaga. so ginawa ko after meals nalang. effective sakin kasi tumaas hemoglobin ko. I'm 33 weeks pregnant at iniinom ko pa din sya sa morning
natry ko rin to nun humingi ako ng alternative sa foralivit kaso sobra pagsisikmura ko rito tas bumaba lang lalo bp ko kaya bumalik ako sa foralivit kahit lasang kalawang magkasundo naman sila ng sikmura ko
hello! yan din ung unang binigay ni OB sakin. kahit may laman tyan ko di ko talaga kasundo.. nasusuka ako at nag a-activate yung hyperacidity ko.. 😅 ang ipinalit ni OB sakin ay Iberet+Folic
Yan iniinom ko nung buntis ako 1 tab 30mins before breakfast yan ideally para maabsorb agad ng katawan.. Pero kung may naramdaman ka halimbawa pangangasim o pagsusuka inform mo si OB mo
iron po yan moms, kain ka muna bago uminom, 2nd trimester na ko binagyan ng doctor ko kasi grabi pa yung morning sickness ko baka mag cause pa daw lalo ng pagsusuka ko.
Discontinue mo Mamsh. Inform mo si OB. Ganyan din ako parang sumasakit chan ko nung umiinom ako nyan. Pinalitan ni OB ng ibang brand. Sangobion pinalit nya sakin.
Hiyangan lang yan sa brand ng gamot. Di rin ako hiyang dyan dati, tumigas poop ko. kaya i switched to folart (folic acid) and regular/generic ferrous sulfate.