He fell out of love

Good evening po mga mommies. May gusto lang po sana ako ishare sainyo. 20 yrs old palang po ako at di inaasahang may nangyare samin ng boyfriend ko. Nag pacheck up kami nalaman naming 7weeks na pala akong preggy. Hindi pa alam ng fam ko at yung boyfriend ko lang talaga may nakakaalam na buntis ako. Pero kasi mga momsh nag nag iiba na yung mood ko araw araw dahil siguro sa pagbubuntis ko at madalas dina kami makaintindihan. Dumating sa point na gabi gabi umiiyak ako kasi di nyako inuunawa. Hindi kasi kami magkasama sa iisang bubong dahil nagwowork sya, dahil sa nangyayare samin mga mommies para akong nadedepress kasi halos gabi gabi ako umiiyak at alam kong naaapektuhan yung bata sa emosyon ko at ayoko naman po ng ganon. Mga momsh pano ba icope up sarili nyo pag ganon na hindi kayo bati ng partner nyo? Im battling with myself right now at ako lang nagsusuffer pagod na pagod na po ako kasi wala akong karamay πŸ’” tapos yung pagtulog ko kulang na kulang. Gabi gabi akong puyat as in natutulog ako around 3am na. #pleasehelp #advicepls alam kong yung iba sainyo nakakaranas din ng pagkakamalabuan ng mga partner nyo tuwing gabi. Ayoko na umiyak πŸ’”

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

how are you mommy?