PHILHEALTH

Good evening momshies. Healthy discussion lang po. EDD ko is October, na-lay off po ako ng March dahil sa Pandemic. Yung employer ko hindi na hinulugan yung contribution ko sa Philhealth ng January to March tapos ayaw pa ako bigyan ng documents na kailangan ko para maayos ko na sana Philhealth ko. Medyo worried na po kasi ako baka di maasikaso ang Philhealth kasi bukod sa laging naka ECQ ang Metro Manila wala din transpo papunta sa Philhealth branch. Nag-inquire kasi ako thru email kung anong consideration sa buntis. Sa SSS kasi basta makabayad ka na okay na, smooth na sa online ayun yung experience ko since di nila ineencourage na magpunta ang buntis sa branches nila. Sa Philhealth ang sabi kailangan ko pa daw magpunta sa branch mismo para maayos ko yung record at payment ko sa kanila. Sobrang hassle. Ayoko irisk na maglalabas labas dahil sa co*id ayoko din makisuyo sa parents ko kasi may edad na sila, yung asawa ko naman hindi ako matutulungan kasi kakaalis lang din nya nito lang, ofw kasi sya. Worth it pa ba ayusin yung sa Philhealth? Sure ba na mapapakinabangan pa pag nanganak? Gulong gulo na po kasi ako. :(

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kakabayad ko lang sa PhilHealth bago mag MECQ ulit. Sobrang bilis lang ng process kasi priority ang mga buntis. Due date ko na this Aug. Ang case ko naman, voluntary payor ako pero yung employer ko na yung dapat nagbabayad, kinakaltas sa sweldo ko. Pero biglang hindi na pala nila ako nakakaltasan, so wala akong hulog for more than 1 year. Inasikaso ko, nagbayad ako ng 9 months before due date ko (kasi ito ang sabi ng Philhealth sa ospital na pag-aanakan ko), at pang buong taon ngayon. Wala naman silang nakitang issue. Basta bayaran mo lang. Pwede naman po kayo magpabayad din sa husband/partner or kamag-anak ninyo, basta may authorization letter lang and ID ninyo.

Magbasa pa
5y ago

Nakuha nyo din po ba yung MDR po na sinasabi kagad nung nagbayad po kayo sa branch nila?