14 Replies
Ako din pagtuntong ng 8months nagmanas na paa ko di makita ankle ko tinawanan pa ko ng Hubby ko 😂 sabi ko lakad kami, kinabukasan din naglakad kami, tapos pagtulog ko nakaelevate paa ko sa unan paggising ko naglessen, tapos ngayon pangalawang day ko na nakaelevate paa pagtulog nawala na sya.. Dapat lang nakaelevate paa pagtutulog , tapos pag nakaupo itaas mo din lagay ka upuan or table sa harap mo. Bawal matagal nakatayo at maya't maya i unat mo. More water din 😊
Lakad lakad ka sis sa umaga. Kasi hindi rin safe ang manas kahit sabihin nating normal lang yun. Yung dugo kasi natin hindi nakakadaloy ng maayos. Nag istock lang siya kumabaga naiipon dun sa part na namamanas. Atsaka exsercise din po mga misis. Pag tapos sa trabaho o gawaing bahay itaas ang paa at imasahe
I experienced pamamanas mga 4 to 5 months tummy ko but thankfully my OB advised me to drink at least 2 liters of water a day infairness nawala yung pamamanas ng paa ko. Tapos pag wla po kayong gnagagawa try nyo pong mag relax then elevate nyo lang po yung paa nyo and before youll going to sleep. 🙂
Ako sis more than 1wk ata ako manas nun.. natanggal naman sya, wag ka masyado maglakad ng sobra sobra sis kase ung bigat ntin napupunta sa talampakan tlga ee.. iwasan matagal na nakatayo, tapos elevate mo lang tlg paa mo pag nakaupo at nakahiga ka ilagay mo sa unan paa gang binti mo..more water pdin
Inom kanang pinakulaang luy-a Sis tapos lagyan mo nang kunting asukal. Pahiran mo rin iyong mga paa mo nang luy-a. Yan iyong ginagawa q.. Iyon mawala iyong manas q.. 8 months preggy rin aq yan kac advice nang nanay q sa akin
Same tayo mami, nawawala siya tapos bumabalik..basta tubig tubig lang,onteng lakad lakad..elevate paa pag nakaupo at nakahiga,ginagawa ko lang yun mga advices dito para lang malessen yun manas 😊
normal lang ang manas mamsh, lakad lakad ka mamsh tapos pag matutulog ka lagyan mo ng patungan na unan yang paa mo, kumbaga Naka taas kunti paa mo mamsh para ma lessen ang pag mamanas mo mamsh 💚
Ako nga po since 5 months namamanas na eh. Nawawala naman tapos bumabalik ulit lalo na pag matagal akong nakaupo.
Lakad lakad ka lang po. Ako na bedrest pa ako ng 1 month pero di ako minanas 9 months na tyan ko bukas hehehe
Never ako nag manas sis more on water and taas yung paa. Saka akyat baba sa hagdan 38weeks and 3days.