DAPAT BA NA HAYAAN KO NA ANG KAPATID KO SA BUHAY PAMILYA NIYA KAHIT PANAY HINGI SIYA NG PAYO?

Good evening mga moms siguro medyo mahaba tong ipopost ko pero sana mabigyan nyo ako ng matinong payo.. may problem po ako with my sister pangalawa siya sa akin at bata pa sya let say nasa 18yrs old na sya pero sya yung tipo ng tao na parang late maka pick up masyadong late at mahinhin parang tuod ganon pero mahal ko yun kasi kapatid ko yun eh, ngayon may sarili na syang pamilya at may isang anak mag 4months pa lang ang baby nya ngayon, kaidad nya yung lalaki.. ngayon nung una all good kami nung lalaki dahil akala ko okay sya.. pero hindi pala habang tumatagal lalo ko nakikilala ang ugali nya na masamang tao sya nasasaktan nya kapatid ko physical at mentally . wala ring tiyaga ang lalaki sa buhay ayaw mag trabaho kung may trabaho man aalis agad dahil ayaw nya na palaging inaaway ang kapatid ko at sinisigawan ayaw nya rin mag ayos ang kapatid ko gusto nya mag losyang lang kapatid ko at hindi manlang mabili ang mga personal needs ng kapatid ko.. nung andon sila sa bahay ng lalaki parang katulong lang daw ang kapatid ko don dahil araw araw nag susumbong sakin ang kapatid ko kilala ko ang kapatid ko hindi siya marunong mag sinungaling at mabuti syang tao mahinhin parang tanga kaya mabilis maloko, sobrang mag kaiba po kami ng ugali ng kapatid ko kung late sya ako sobrang advance at alert sa buhay kaya hindi pwede sakin ang ganung sistema. kung matatanong nyo po kung nasaan ang nanay namin wala po dahil nag tatrabaho po sya sa ibang bansa ang tatay naman po namin ay grab driver kaya wala rin time sa pag iintindi sa kapatid ko yung lalaki po kasi pag kaharap yung pamilya namin mabait pero pag andon sa side nila ginagawang kawawa ang kapatid ko. sobra po akong nalulungkot dahil ganun ang buhay nya ngayon.. ngayon dahil love is blind mahal na mahal nya ang lalaki nayon kahit napaka walang kwenta.. at isa pa yung lalaki nag wawala sya pag nagagalit parang bata may pagka bipolar disorder daw kasi sabi ng nanay. ngayon sobrang galit ko sa lalaki kaya magka away kami at ayoko na sya patawarin hanggat ganun ang ginagawa niya sa kapatid ko. ngayon ano po bang dapat kong gawin? kasi ngayon na convince ko na yung kapatid ko na umuwi sa bahay nila (hindi ko po sila kasama dahil may sarili narin akong pamilya hindi ko sila madalaw ngayon dahil gawa ng ecq.) ang kaso ngayo mag 2 months pa lang sya andon sa bahay namin. ngayon uuwi na ulit don sa bahay nung lalaki kaya balik nanaman sya sa dating buhay nya kawawa nanaman sya.. kaya ngayon ano ba ang gagawin ko? sobrang stress na ako dadagdag pa yung kapatid ko. dapat bang hayaan ko na sya sa buhay nya dahil buhay nya yon? ayaw nya rin kasi makinig sakin tapos ang hilig pa mag kimkim ng sama ng loob dahil ko katulad na lahat nilalabas ko. ngayon ano po bang gagawin ko? hayaan ko na sya kasi buhay nya yon? at para matuto na sya? oh patuloy parin ako mang himasok? napapansin ko po kasi madalas ako pa nag mumukang masama di ko na po alam ang gagawin ko saan pa ako lulugar ???? kaylangan ko po ng matinding payo ngayon sana po mabigyan nyo ako ng payo. first time ko po mag post ng ganto. Maraming salamat po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bilang kapatid hndi natin.maiwasan na manghimasok sa buhay ng kapatid natin lalo na at naaapi. Pero dapat my limit na mamsh since.my asawa na sya sariling buhay ika nga. Sabi mo ilang beses mo na pinayuhan at hindi naman nakikinig cguro.pabayaan mo.na choice nya un eh. Ang magagawa mo nlang cguro idaan sa legal process if ever sinasaktan sya life physical abuse isumbong mo sa pulis. Para hndi na ikaw ung lalabas na masama kasi bawal yan sa batas. Kasi ung kapatid mo kung nagbubulag bulagan wla ka tlagang magagawa kahit kaladlakarin mo pa yan.babalik at babalik pa din yan sa asawa nya base sa storey mo.

Magbasa pa