Good evening mga mommies! Medyo mahaba to sana pagtyagaan nyong basahin.
Kasal ako for 11 yrs with 2 kids. Last yr nagkalabuan kamo ng hubby ko. Natuto syang manakit na dumating sa point na pati anak ko nasaktan na nya. Nakipaghiwalay ako sa kanya. Meron akong naging karelasyon. May kids na rin sya and sabi nya hiwalay sila ng asawa nya. Naniwala naman ako kasi dinala nya ko sa bahay nila. Nakilala ko ng pamilya nya. Nabuntis nya ko. Simula ng malaman nya na buntis ako nag iba pakikitungo nya sa'kin. Ang dami nyang excuses. Busy sa trabaho, sumasideline, nagbebenta ng motor para daw may extra income. Sinabi nya pa na wag ko daw ituloy pagbubuntis ko. Dahil gulung gulo na isip ko hinalukay ko fb acct ng anak nya. Nakita ko yung asawa nya. Dun ko nalaman na hindi pala sila hiwalay ng asawa nya. Na nasa ibang bansa lang pala nagtatrabaho. Ang pinagtataka ko, bakit di manlang sinabi sakin ng pamilya nya na may asawa yung tao. Ngayon nagpasya ko na sabihin sa asawa ko na buntis ako. Naintindihan nya naman ako at nakipagbalikan sya sakin. Sabi nya tanggap nya anak ko. Ang importante daw yung mabuo ulit kami. Nangako yung tatay ng pinabubuntis ko na susuportahan na lang nya yung magiging anak namin. Hanggang sa mawalan na ko ng connection sa kanya. Di na sya nagparamdam. Bale simula ng nagbuntis ako 1k lang ang naibigay nya hanggang sa manganak ako. Hinyaan ko sya dahil ok naman na kami ng asawa ko. Ngayon, nabalitaan ko na may iba na naman syang karelasyon. Na natanggal sya sa trabaho dahil nahuli sila ng katrabaho nya na nagkikiss habang nasa duty.
Sa palagay nyo po, dapat ko ba syang isumbong sa asawa/pamilya nya? Dapat bang malaman ng pamilya nya na may anak sya sakin!? Tama ba nya hayaan ko nalang sya sa ginagawa nya? Ayaw ko lang na may maloko na naman sya dahil sobrang hirap ng naramdaman ko nung nalaman kong niloko lang pala ko. Isa pa naaawa din ako sa asawa nya dahil di alam lahat ng kalokohan nya.