Good evening mga mommies! 2 months and 11 days si baby kaso nag woworry ako hindi pa sya nakikipagtitigan, kinakausap naman namin sya ng madalas tapos ang gagawin nya iiwas nya yung tingin samin, lilingon sa kabilang side. Pero pag nasa kwarto kami tuwang tuwa sya sa kurtina lalo na pag tinatamaan ng hangin gumagalaw galaw pero pagdating samin madalang pa makipag laro. Okay lang ba na sa age nya hindi pa sya nakikipag titigan? Titig man sya saglit na saglit lang, pero pag dumadaan kami sa harap nya sinusundan naman kami ng tingin. Okay lang ba yun o napapraning lang ako. ? Sana po mapansin nyo. Thank you!