2 Months Pregnant?

Good evening mga momash. Ask ko po like payat po ako 43kg lang ang timbang ko sa edad na 19. Maraming nakakapansin na mas lalo akong pumapayat. Im pregnat and imbes na tumaba. Pumayat ako lalo. Sa tingin ng madaming tao dito sa lugar namin. And for me parang wala namang nagbago payat parin. Pero yung payat na nga ako tapos sasabihan ka ng mga tao na mas lalo kang pumayat parang bumagsak daw yung katawan ko para akong may sakit. May ganon po ba talaga klase ng pagbubuntis? First time mommy po ako and I don't have any idea about sa pagbubuntis mahina immune system ko. Since bata pa di po kaya ako mahihirapan kapag dumating ang time manganak ako?. Sana po may maka sagot. - Tia mga momsh..❣️

2 Months Pregnant?
97 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same momsh. 37kgs lang ako last check up. Feeling ko mas pumayat ako dahil wala akong gana kumain. Sinusuka ko din kapag sobrang busog ako. Binabawi ko nalang sa maternal milk at fruits para may nutrients nakukuha si baby. Saka more water para iwas UTI. Malay mo kapag nasa 2nd and 3rd trimester na tayo don na tayo mag gain ng weight kasi mawawal na yung paglilihi. ☺️ Tiwala lang. Wag na lang isipin sasabihin ng iba. Basta alam mong binibigay mo yung best mo para kay baby. ☺️☺️

Magbasa pa
6y ago

I feeel you sis. Ganyan na ganyan din aki. Pero its normal daw, babalik din daw yung paggana natin sa pagkain after paglilihi and sa 4mos or 5mos na.