2 Months Pregnant?

Good evening mga momash. Ask ko po like payat po ako 43kg lang ang timbang ko sa edad na 19. Maraming nakakapansin na mas lalo akong pumapayat. Im pregnat and imbes na tumaba. Pumayat ako lalo. Sa tingin ng madaming tao dito sa lugar namin. And for me parang wala namang nagbago payat parin. Pero yung payat na nga ako tapos sasabihan ka ng mga tao na mas lalo kang pumayat parang bumagsak daw yung katawan ko para akong may sakit. May ganon po ba talaga klase ng pagbubuntis? First time mommy po ako and I don't have any idea about sa pagbubuntis mahina immune system ko. Since bata pa di po kaya ako mahihirapan kapag dumating ang time manganak ako?. Sana po may maka sagot. - Tia mga momsh..❣️

2 Months Pregnant?
97 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1st tym mom here. Well bumaba din ako ng 5kg ngayon. Actually chubby ako eh hehe. From 60kg nung di pa preggy. Ngayon, 14 weeks preggy na 55kg na ako. Bumaba ako imbes mas lalong tumaas kasi dalawa na kami eh.

Ako sis payat din 34kgs nga lang ako ng 1st trimester ko and lalo pa akong pumayat dahil sa paglilihi. Pero unti unti din akong bumigat pagdaan ng bwan. 6 mos preggy na ako and 41kgs na. Halos 7kgs nadagdag.

Sa 1st 2 months kong pagbubuntis pumayat ako, 36 kilos ako nung 12 weeks na si baby ko. Ngayong 6 months na medyo nakabawi naman nasa 43 kilos na kami. Panay suka kasi ako noon kaya nahihirapan ako kumain.

VIP Member

Same lng tau ng timbang ng d pq buntis depende kc yan sa height mo at pag nabuntis ka nmn may tendency na pumayat muna then after that tataba kna kc lumalaki na c baby kain lng po ng kainπŸ˜ŠπŸ‘πŸ»

Ganyan din po ako dati 42kls lang ngayon 2nd trimester ko bigla akong taba 60kls na pinag didiet nako ng ob ko kase sobrang taas ng timbang ko . Tataba kapa mamsh. Naglilihi kapa kase ganyan po.

Ganyan talaga nung first trimester ko rin namayat ako ng sobra. Kase naglilihi pa di din makakain ng maayos peri ngayong mag ti 3rd trimester na ko bigla namang pataba kase lumalakas na kumain

Ako din sis pumayat lang ako imbis na tumaba im 18 weeks pregnant kaya yung baaby bump ko diman hulata sinasabihan lagi ako ng mga tao na parang didaw ako buntis parang may sakit lang daw ako

Senyales Lang Yan na buntis pag ka 3nonths na tyan mo. Lumalakas ka NG kumain. Ganyan din ako. Marami naka pansin payat ako. Eh hindi ko Alam buntis pala ako. Tapos ngayon mataba na ako

42 kls ako nung nabuntis at ngayong third trimester pa ako medyo tumaba kasi malakas na kumain kasi nung 1st trimester ko ay isinusuka ko lahat ng kinakain ko kaya di ako tumataba.

Same sis . 20 ako nabuntis at the start sobra payat ko din pero now in my second tri and third trimester mej tumaba n Kasi Kain Ng Kain . Eat k lng marami tataba k din mamyat maya