3months pregnant
hello good evening, ask ko lang po if normal lang po ba na walang nararamdam na symptoms na buntis ?? tska parang hndi rin po sya nalaki lalo na pag umaga paggising po lumiliit po ung chan ko pag nakain nman po lumalaki. nag aalala po talaga ko 3months pregnant po . ty
hi mommy. yes po normal lang po yan after 3 months po kasi mostly sa ibang mommies nale-lessen na ung nga pregnancy symptoms. mejo nakakaworry pero sobrang ginhawa naman po sa pakiramdam. bumabalik na din ung apetite natin after 3 months. don't worry po mommy, as long as wala kang spotting and regular ang prenatal medicines and check up wala ka po dapat ikabahala. You're so lucky din po, if from the start wala ka pong any signs of pregnancy like nausea and vomiting. about sa laki naman po ng tummy, if first time mom ka po, matagal po talaga mag show ang baby bump. usually nasa 4th to 5th month saka mo palang makikita ung bump. but depende pa din sa built po ng katawan mo. me po is 4th pregnancy (after 1 live birth and 2 miscarriage), at 3 months nagshow na baby bump ko kasi andun na ung pregnancy pouch (un po tawag nila).
Magbasa pa