pregnancy thing

good eve mga mamshiie. ask ko lang kung totoo bang pag baby girl ang dinadala maselan at mahirap magdala? Im 22 weeks and day 4 pero feeling ko tamad na tamad akong kumilos at di din ako minsan mapakali sa position ng higa ko. tatagilid from left to right, or right to left or titihaya. madalas din sumakit balakang ko everytime na konting galaw ko lng. #pregnancy #advicepls #2ndbaby #22weeks4day

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Myth mamshie😊 dati hindi pa ako preggy kahit papano may mga myth lalo na sa pag bubuntis and gender ang talagang naniniwala ako kaso nung na preggy na ako big NO na lahat, πŸ˜‚ kasi mga signs and symptoms ng isang baby BOY na sakin before as in halos lahat ginawa namin kahit ung wiwi na may baking soda ung ring i tatapat sa tummy and pangingitim ng mga part na talagang nag iba itchura, hugis ng tummy at marami pang iba,😊 pero wala pag dating sa UTZ GIRL si babyπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ it's a prank nga daw sabi ni OB HAHAHA kasi naka mindset na kasi sakin lalakiπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ buti nalang si hubby girl daw sya kasi like nya daw girl πŸ˜‚πŸ˜ kaya talaga UTZ lang makakasagot kung anong gender ni baby, πŸ˜πŸ€— siguro ung iba nag kaka taon nalang talaga😊

Magbasa pa

Not true po mommy.. Baby girl po saken pero hndi po ako maselan, hndi po ako nakaexperience ng morning sickness. Ung feeling na tamad na tamad normal lng din po sa preggy dahil sa hormones po. Lumalaki po si baby kaya may pananakit ng balakang or hndi mapakali sa position..😊

Depende pa rin po sa katawan nyo, mommy. Every pregnancy is different po ☺️ Malala symptoms ko ng first trimester para sa first baby namin, pero boy sya. Ngayon naman di masyado, nag aalaga pa ko ng toddler at may chores pero girl naman. Just take it easy po, mommy.

not true. wag masyadong magpapaniwala sa mga myths πŸ˜… girl yung baby ko ngayon pero nung pinagbuntis ko siya hindi maselan. wala akong mga morning sickness non. normal lang naman na sumasakit balakang kasi lumalaki si baby sa loob ng tiyan

VIP Member

1st nd 2nd baby ko boy. laging maselan now 3rd baby hindi pa alam ang gender 8wk preggy pero maalwan ngayon. mas masarap ang maalwan mag buntis, waiting na lang sa ultrasound para malaman ang gender ni baby.

Mga kasabihan lang po iyon. Wala pong ibang way para malaman kung boy or girl kundi ultrasound lang po. Yung mga nararamdaman niyo naman po e normal lang po talaga sa mga buntis.

VIP Member

sa case ko momsh hindi nmn. kc girl baby ko pero wala along nraramdaman n morning sickness sbi ng ibng momsh mswerte p daw ung gnun πŸ˜‚πŸ˜‚ung iba daw kc n momshie mselan tlaga.

For me, i have 2 girls na. Yes mas maselan nung girls, all signa ng pregnancy at lihi na encounter. Pero ngayon boy, no symptoms po. Pero case to case basin pa din po cguro

VIP Member

Kasabihan lang po yan mommy. Iba iba po ang mga buntis, nasa changes po ng hormones yan. Normal lang po yung hindi mapakali sa position at masakit ang balakang!

Not accurate sissy.. nasa katawan mo. un ki boy o girl tska lahat nmn ng buntis ganyan tlga. . nasa environment mo yun kong wlaa kng gngawa.. tatamadin ka tlga