Vaccine for new born

Good day❗❗❗ Tanong ko lang po sa mga first time mommies ilan po ba dapat ang vaccine sa new born? Na inject na sya ng dalawang vaccine Then sabi ng pedia ni baby may offer pa sya na vaccine na 6 in 1 d ko alam kung anong vaccine un pero may nabanggit sya na polio etc. 3800 po ang vaccine na sinabi nya masyado po bang mahal un? Or sa center meron pong free? Need po kasing mag budget lalo na ngayong pandemic. Thank you🙏❤️ #1stimemom

Vaccine for new born
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Yung 6in1 po: DTaP (Diphtheria, Tetanus, acellular Pertussis), Hib (Haemophilus influenzae type b), Hep B (Hepatitis B), IPV (Inactivated Polio Vaccine) Sa mga private clinic or Pedia lang po yun binibigay. Sa center po 5in1 : DTaP, Hib, HepB lang, bale yung IPV ino-oral. Pagkakaalam ko Free po yun sa center. Sa newborn, first 6 months, meron na dapat siya, 6in1 or 5in1 tapos oral na IPV, RV (Rotavirus Vaccine) at PCV (Pneumococcal Conjugate Vaccine. Mahal po talaga ang vaccines, kaya karamihan mas prefer ang center. Sa unang Pedia namin, 4k ang 6in1 ngayon sa 2nd Pedia namin 3,5k.

Magbasa pa
4y ago

Welcome po