Clubfoot Treatment

Good day! Sino po dito ang may idea kung paano mgagamot yung clubfoot? One week old na po ng baby ko and clubfoot po sya sabi ng Pedia nya no need na ipasemento hilutin nalang kaso natatakot kami baka madiin kami o mamali ng hilot eh mas lalo pa makalala sakanya. Gusto sana namin ipasemento nalang kaso di pa kami nakakabalik sa Pedia nya after a week pa. Tingin nyo po magkano magagastos para sa semento ng paa ni babym? Or yung magagastos para sa buong treatment. Thank you po sa sasagot. #firstbaby #1stimemom #advicepls #momlife

Clubfoot Treatment
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I hope this will enlighten the mother.. My son was born with clubbed feet. At 10 days old, pinunta namin sya sa ortho to get is casted. Right now, we are on his 3rd casting. We may need 3 more castings before they do the Tenotomy (search nu sa google). After that, nakasemento ulit paa nya for 3 weeks.. Then they will be putting him on Braces.It can go up to 5 yrs ang treatment to ensure na maayos mga paa nya. LIBRE po ang treatment nya dahil may foundation called MIRACLE FEET na sasagot sa mga to. I am strongly encouraging you to bring your baby to an ortho and get it assessed and treated. Kawawa naman ang baby kung di makatakbo or makapaglakad ng maayos. There is a treatment for Club Feet. Responsibility natin as parents to get that treatment for them. The picture will show you kung ano naging progress ng paa ng baby ko after 2x na nakasemento paa nya. Below- before Above picture-after Please get ur baby the treatment he/she needs.

Magbasa pa
Post reply image

hilot nyo po hilahin nyo ng bahagya ang paa ni baby ipag pantay nyo po ang mga paa nya at hilotin nyo po na nakatuwid ang paa nya dahan dahan nyo po hilotin ganyan din kasi sa baby ko hindi pareho ang paa nya ang isa medyo baliko ang isa naman normal lang hinilot ko lang yon pumantay na sya ngayon ..at tumibay din tuhod nya lagi ko hinihilot 1 month kaya na nya timbangin katawan nya at olo 2 month and 2 weak domadapa na sya .. hilot hilot nyo po ses para pumantay ang paa ng baby mo at manood po kau sa youtube kong paano mag hilot sa nweborn..

Magbasa pa

pa check nyo po agad sa orthopedic doctor.. may mga case naman po na di sinimento dahil nagcacause din minsan ng allergy sa baby.. brace sa paa ang mas ok na treatment para macorrect habang baby.. pag pinatagal po yan mas mahirap.. tsaka baka kailangan din ng PT.. btw im working po sa philippine orthopedic center. sana makatulong 🙂

Magbasa pa
Super Mum

Hi mommy. Ganyan dn po sa bunso namin, hnihilot hilot lng ng mama ko nung baby sya. Now 16 yrs old na sya may improvement naman kaso hndi sya straight maglakad. Sundin nyo po advice ni pedia, kung mga around 2 yrs old na si baby at same pa rin yun na po siguro time na magpaopera kasi baby pa sya masyado ngayong kung ooperahan.

Magbasa pa
VIP Member

Physical therapist po ako. Mas advise tlga na ipasimento nyo asap yan.. Hanggat hindi pa nagdedevelop bones ni baby.. Kasi kung aasa k lng sa hilot, may chances na normal bone growth at function ng paa nya.. Hindi nman ganun kalaki gagastusin mo.. Lalo kung sa orthopedics sa banawe ka pupunta

4y ago

Kaya nga po eh.. Sayang kasi nacocorrect naman po kasi yung club foot..

nako wag naman po semento agad masyado pa syang baby para maexperience un kaya pa yan imassage malambot papo bones nila tyagaan lang po every morning at night lagi mo lang po pagdidikitin tuhod nia at binti massage pababa para dumiretso paunti unti ung binti nia ..

agree po sa PT na nagcomment, sabi sa nabasa ko mas maigi na agapan ng treatment habang flexible pa bones nya para mai-correct na before pa sya matuto lumakad to prevent long-term disabilities

Lawayan tas hilotin kada madaling araw po. Wag kang paranoid di na dapat ipasemento yan. Hilot hilotin niyo lang kada madaling araw tas wag lang po diinan. Hinayhinay lang po

hilot lng sis evry morning with manzanilla tos paarawan m dn. need nya ng vitamin D. gnyan dn nangyari sa anak k. ngaun ok na xa.

4y ago

2 feet po sayo mami?

Massage nalang po ng maligamgam na tubig then oil every morning ..paglaki ni baby magiging normal dn po