Good day po, meron po kaya ditong eksperto na pwedeng makasagot ng tanong ko? Kasi po apat na yung Ultrasound ko, dun sa apat kong ultrasound ang mga EDD ko ay hindi nagkakalayo. Feb.23, Feb. 16, Feb 18, at sa record po ng lying in na pag-aanakan ko ay Feb. 20. Dinagdagan nila ng 2 days. Pero ang LMP ko po ay Feb. 16. E kaso po ang laki po ng sukat ng tiyan ko, size 32, baka daw po ipadala na nila ako sa Ospital dahil ang tinatanggap lang po nila ay size 26-27 kasi ang laki daw po ng baby baka maCS ako. Pero pinaliwanag ko po sa kanila na maliit lang yung baby, at tiyan ko lang ang malaki. Yun kasi ang sabi ng OB ko, na maliit lang yung baby ko. Pero ayaw maniwala ng midwife sa lying in kahit nasa kanila ang copy ng aking last Ultrasound at kita naman nila na tama lang yung laki ni baby. Kaya nagrequest sila ng BPS Ultrasound, at nung nagpa BPS ultrasound po ako kahapon nakita don na ang liit lang ng baby, kaya sabi sakin nung nurse na nag ultrasound ay kung sure ba ko sa LMP ko? Dahil ang findings nila ay 35 weeks and 1 day pa lang ang baby dahil pang 35 weeks pang yung sukat at laki niya at hindi pang 38 weeks. Kaya ang naging EDD ko ay March 16. Kaya po ngayon ay naguguluhan na ko kung ano ba talaga? Umaasa ako na ngayong linggo or next week lalabas na si baby kasi nga po ang bilang namin ay 38 weeks and 5 days na ngayon ang tiyan ko. Pinainom na nga po ako ng midwife sa lying in ng eveprimrose nung nakaraang linggo e. Taps kahapon, sa BPS ultrasound ang nakalagay ay 35 weeks pa lang. Nakaka stress na. Hays. Hindi ko po alam ang susundin kong Due date ko. Sana may makasagot.