Sukat/Laki ni baby

Good day po, meron po kaya ditong eksperto na pwedeng makasagot ng tanong ko? Kasi po apat na yung Ultrasound ko, dun sa apat kong ultrasound ang mga EDD ko ay hindi nagkakalayo. Feb.23, Feb. 16, Feb 18, at sa record po ng lying in na pag-aanakan ko ay Feb. 20. Dinagdagan nila ng 2 days. Pero ang LMP ko po ay Feb. 16. E kaso po ang laki po ng sukat ng tiyan ko, size 32, baka daw po ipadala na nila ako sa Ospital dahil ang tinatanggap lang po nila ay size 26-27 kasi ang laki daw po ng baby baka maCS ako. Pero pinaliwanag ko po sa kanila na maliit lang yung baby, at tiyan ko lang ang malaki. Yun kasi ang sabi ng OB ko, na maliit lang yung baby ko. Pero ayaw maniwala ng midwife sa lying in kahit nasa kanila ang copy ng aking last Ultrasound at kita naman nila na tama lang yung laki ni baby. Kaya nagrequest sila ng BPS Ultrasound, at nung nagpa BPS ultrasound po ako kahapon nakita don na ang liit lang ng baby, kaya sabi sakin nung nurse na nag ultrasound ay kung sure ba ko sa LMP ko? Dahil ang findings nila ay 35 weeks and 1 day pa lang ang baby dahil pang 35 weeks pang yung sukat at laki niya at hindi pang 38 weeks. Kaya ang naging EDD ko ay March 16. Kaya po ngayon ay naguguluhan na ko kung ano ba talaga? Umaasa ako na ngayong linggo or next week lalabas na si baby kasi nga po ang bilang namin ay 38 weeks and 5 days na ngayon ang tiyan ko. Pinainom na nga po ako ng midwife sa lying in ng eveprimrose nung nakaraang linggo e. Taps kahapon, sa BPS ultrasound ang nakalagay ay 35 weeks pa lang. Nakaka stress na. Hays. Hindi ko po alam ang susundin kong Due date ko. Sana may makasagot.

6 Replies

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4506840)

Sobrang naguluhan din po ako jan kasi iba iba date sa ultrasound pero ang nasunod po sakin is yung bilang ng doctor as long as tama naman yung weight niya, pag nasa 37 weeks anytime po pwede na lumabas si baby.

ask ko lng po sana if may mag lalabor din po ba khit na CS before? salamat po sa makaka sagot I'm 38w/1 day base on my LMP

Let your private OB talk to your Midwife para makapag endorse ng history mo. Ob lang ang expert sa mga ganyan bagay..

Nagpatransvaginal ultrasound ka po ba before? At what month?

Naku sis medyo complicated ang situation mo Pero para mawala po ang agam-agam mo magtiwala ka po sa OB mo and i-anticipate mo na Lang din po na Pwede ka ma CS so hanap ka na din po ng reserved hospital just in case.

nasa BPS po kasagutan kung sakto si baby

edi meaning po ay yung BPS ultrasound po ang totoo at hindi yung apat na naunang Ultrasound?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles