Sign na lalaki ang pinagbubuntis ko.
good day po. ask ko lang po kung ano ang mga symptoms or sign na lalaki ang pinagbubuntis o babae. ayaw pa po kasi pakkta ni baby ng gender nya so at least man lang po may idea ako.pero kahit naman ano okay sakin. thank you :)

Hi Mommy! Ganyan din ako when I was pregnant. Ung unang Ultrasound ko nakadapa si baby kaya hindi makita ung gender. Tapos that time ang blooming ko daw so halos lahat ng tao, ang hula is Baby girl daw. Pati OB ko girl din ang hula nya. Hinihintay ko nga na lumaki ung ilong ko or mamaga ung face ko, hindi naman nangyari. Pero sabi nila patulis daw ung tiyan ko. Ayun, nung 2nd ultrasound nakita na kahit nakadapa pa din si baby. It's a boy! Mali lahat ng hula nila. Towards the end of my term, nangitim din ang underarm, singit, pati leeg ko. Nagkaron pa ko ng mga maliliit na warts sa leeg. Ang gaspang hawakan. Pero after a while, kusa din nawala. 😊
Magbasa pa
Mom of 2 precious little kiddos