14 Replies

VIP Member

Girl kung gusto mo masagot tanung mo, TAKE TIME TO READ THIS !!! CHILD SUPPORT AND CUSTODY Violation of RA 9262 ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY DAPAT SA CUSTODY NG NANAY AT ANG TATAY AY BINIBIGYAN LAMANG NG BATAS NG VISITATION RIGHTS AT HINDI CUSTODY RIGHTS SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD. HINDI PWEDENG ITIGIL NG TATAY ANG PAGSUPORTA SA ANAK DAHIL LAMANG SA HINDI PAGPAPAHIRAM NG CUSTODY NG ANAK DAHIL ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA. Ang suporta ayon sa batas ay isang legal obligation na walang kundisyon na pinapataw para ito ay maibigay ng magulang. Ang custody ng bata na pinanganak kung saan hindi kasal ang magulang ay binibigay sa nanay. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code: "Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x" This is an absolute right of the mother at ang binibigay na karapatan lamang sa tatay ay visitation rights o ang karapatan na bisitahin ang bata. Ang nanay ang magbibigay ng karapatan sa tatay kung gusto nito na ibigay ang custody sa anak ngunit ito ay dapat dumaan sa korte. Ang pagpapahiram sa anak na illegitimate sa tatay o sa pamilya nito ay hindi agad nangangahulugan na binigay na niya ang custody ng bata. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang "parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law." Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas. Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang. Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na "If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority." Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment)

Sa mga nagcocomment sa post ni ateng kesyo kasal man sila o hindi, nakaapelyido ang bata sa kanya o hindi, may habol po siyang sustento dahil anak pa rin niya yon. If questioned, DNA test ang solusyon. Original poster - pwede mo po ipa-barangay for agreement, if ayaw magcomply, kasuhan mo under VAWC.

Parang mahirap yan sis kasi di kayo kasal eh. Lalo na if di iadmit ng partner mo yung anak nyo. Maybe it's best to ask for legal advice sa mga lawyer mismo. As far as I know kasi, di mo mahahabol yung partner mo unless kasal kayo or nakaapelyido sa kanya si baby.

That will be difficult to do lalo na if yung guy di willing magpa-DNA test. Hopefully he's willing to take a DNA test para may habol ka. God bless you sis. :)

Una, pwede mo munang ipabarangay yan mamsh. Gawa kayo agreement ngayon kung magmatigas at di parin magbigay ng sustento kasuhan mo ng VAWC. Kasal man o hindi dapat nagbibigay sya ng sustento

VIP Member

If d kau kasal pde yan sa barangay gawa kau ng kasulatan about sa sustento ni baby ..ode ka po mag basa basa ng mga articles mkakatulong po iyan sau..ingat lang po lagi😊👍🏻

mahirap maghabol sa sustento lalo kung irresponsable ang lalaki. sakit sa ulo at stress lang. mas mabuti kung buhayin mo nalang mag isa anak mo at i-apleyedo mo nalang sayo.

Yup. Sa akin ko naman ipapa-apelyido. Finances ang ihahabol ko. Kung gugustuhin niya magpa-DNA test para maka-sure, walang problema sa akin.

Alam ko po you can file a claim for child support sa korte. Pag tinanggihan pa rin po ng non-custodial parent, pwede na magsampa ng kaso sa VAWC.

Kung ikaw mismo nakipag hiwalay, wag ka na maghabol ng sustento. Pero kung siya nakipag hiwalay, dapat sustentuhan niya ang bata.

Do you have firsthand experience to say so?

VIP Member

kasal po ba? kung hindi po, ipagamit mo apilyido niya sa baby nio para my habol ka po.

Hindi naman po pwede na basta basta mo na lang ipagamit apelyido ng tatay ng anak mo kasi need ng consent nya at may pipirmahan siya sa birth certificate ng bata.

Pa barangay mo na pag Hindi par in nag susustento sa pakasohan mo nalng

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles