halak
Good day mga mumsh..nagpacheck up kmi sa pedia knina kasi umuubo-ubo si baby ko..and un nga may halak cia.may plema n daw..ito yung mga gamot na nireseta saknia..may antibiotic..mejo nagdadalawang isip lng ako ipatake saknia antibiotic kasi 2months lng cia..
Basta galing sa pedia ok lang po sundin lang po ang tamang paginom lalo na sa antibiotic para effective. Need niya po yun lalo nat sabi nyo may plema ubo niya iwas komplikasyon.
As long as prescribed by the doctor or pedia okay po yan. Hindi naman po irereseta yan kung Di safe better na mailabas ni LO mo yung plema if not baka mauwi pa sa ibang sakit..
Ok lang po painumin si baby lalo at pedia nya ang nagsabi sa inyo, sasabihin din naman po ng pedia nyo kung gano kadami ipapainom sakanya.
Opo salamat po😊
Yung pedia ko hindi siya agad nagbibigay ng antibiotic. Lagundi lang. Tapos neb ng salbutamol. Naging okay naman din anak ko.
Nagconsult ka pa ng pedia kung di ka maniniwala. Malamang pwede kasi prescribed. Nakakabobo
Kaya nga po..nareport ko na po..talino nia kasi eh..
Di naman siguro ibibigay kung nakakasama momsh. Sundin mo lang pedia nya. Uso pneumonia ngayon
Oo nga po eh..susundin ko nlang po..yan dn po sinabi ko sa hubby ko.hnd nmn irereseta kung makakasama kay baby..thanks mumsh
Sundin ang pedia. Kesa Momma lumalala pa di ba. Baka mapunta pa sa ibang sakit.👏🏻
Yes po..thank you..
kung pedia po nag resita dapat sundin niyo po para gumaling agad si baby
Hi mga mommies..ok n po si baby ko..at bumigat pa po cia..salamat😊
Okay po yan kasi pedia naman po nag prescribed. get well soon sa baby
Thank you po..mas panatag na po ako ngayon.kasi ung friend ko po nagpacheck up din dun sa pedia na un.and sabi nga po nia sakin niresetahan ng antibiotic anak nia dhl inuubo po.kaya lang d nia pinatake kasi daw baby pa anak nia.kaya nasabi kong nagdalawang isip ako.pro dhl nga alm nmn ng pedia ang gnagawa nia sundin nlang din..salamat po😊
Nurturer of 1 Awesome boy