Pabalik balik na UTI (currently 27 weeks and 1 day pregnant)

Good day mga Mommies! Mangangalap lang sana ako ng advice kasi simula first trimester hanggang ngayon na 27 weeks na ako pabalik balik po yung uti ko. Ilang beses na ako nagtake ng antibiotics na prescribed ng OB ko, grabe din po ako uminom ng tubig na halos 3-4 liters po yung nauubos ko sa isang buong araw, di din po ako umiinom ng kahit anong beverage na may color at todo iwas din po ako sa maalat at matatamis, nagbubuko juice din ako sa umaga pero mas lumalala po uti ko. Nakabed rest po ako for more than 1 month na kasi nag preterm labor na ako because of this infection. Ano pa po ba sa palagay niyo yung dapat kung gawin kasi nakakastress na po ng sobra. Nagwoworry pa ako baka may effect sa baby ko ito (wag naman po sana). Your advice and suggestions will be much appreciated po. Salamat and God bless us all!

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh pa Urine culture and sensitivity test kapo. ako during early 2nd tri ko po lahat ng urinalysis ko is positive sa UTI. then nagrequest ng UC yung ob ko para di na rin ako masyado naeexpose sa gamot. lumitaw sa result ko is wala ako UTI, at contamination lang ang cause ng positive result ng urinalysis ko. Ask your ob po for request.

Magbasa pa

Nung mataas UTI ko sabi nang endo ko try ko daw mag wash bago umihi tapos ihi mag labas lang ako nang kaonti sa unang ihi tapos hugas ulit then yun ihi ulit tapos yun na yung ipapasa ko sa lab. so far normal na yung test ko

momii .maraming cause ng uti ..mas maigi mag pa test ka ng urine culture and sensitivity.para makita tlga san nag mumula ..para maibigay ung nararapat n gamot sayo.ganyan din ako eh aun nawala nmn ..