96 Replies
Yan din po ang plano ng partner ko. Everyday kasi hinahatid at sinusundo nya ako sa work. Pero dahil magreresign na ako this august, plano na nyang magmember sa angkas para daw dagdag kita at may panggatas kay baby paglabas. Kaso nyo po iniisip ko pa lang na may babaeng aangkas sa motor nya, iniinis na ako. Lalo na pag inaasar nya ako na magagandang babae lang daw iaangkas nya. Rrggghh!! Kaasar sya promis. Wala lang akong magawa kasi kelangan namin ng extra income.
Selfish ka mommy. Pasalamat ka nga masipag asawa mo. Akalain mo yun nung sinabing mon-fri nlg ang trabaho mas naisip mo pa na hndi na buo ung sweldo ng asawa mo..mygad . Ganyan talaga siguro pag nasanay na tumatanggap lang ng sweldo ng asawa. Maghanap ka dn ng pagkakakitaan mo kahit maliit lg para naman my extra ka kahit papano. Kaya nga siguro nagtyaga yan sa pag angkas kasi nape pressure sayo sabihin mo ba naman na mababawasan na mg sweldo. 🙄
Korek mommy. Kaya na pressure dn yata tong partner nya kaya napilitan pa dn sumideline khit sabado linggo. Grabe. Ang pera kikitain naman yan, pero pag ito nagkasakit sa kakatrabaho ewan ko nlg.
sis be thankful nalang kasi may asawa kang masipag at kumakayod para sainyo ng magiging anak nyo dala lang siguro ng pagbubuntis mo ang pagseselos kasi gusto natin ng time at attention ng asawa natin lalo na sa stage na nagbubuntis tayo try mo sya pag pahingain kahit isang araw lang at mag bonding kayo para mawala mga iniisip mo alagaan nyo isat isa para sa anak nyo.. wag lagi work kailangan nyo din ng quality time.
pag usapan nyo muna yan sis kung kailangan ba talaga nya mag angkas and try to be open minded, same tau nag aangkas din si hubby pero todo support ako sa kanya dahil alam ko na para sa amin naman ang ginagawa nya.. may mga naiangkas na rin sya na sexy girls ayon sa mga kwento nya pero alam ko walang malisya dun kasi malaki tiwala ko sa kanya.. hindi nga lng sya nakaka angkas ngayon dahil busy sa day job tas maulan pa lagi
Momshie. Isipin mo na lang ang swerte mo kasi your partner is doing everything he can para magka-income while some men are irresponsible na ayaw magtrabaho. Wag po kayong masyadong mag-overthink at para sa inyo din ng magiging baby nyo ang ginagawa nya. Instead, always pray for the safety of your partner that the Lord will protect him in any accidents lalo na sa daan. God Bless to your family. 😊
Normal lang siguro yan sating mga babae. Ganyan din ako dati sa asawa ko, lagi ako nag iisip ng kung ano ano. Pero eventually nawala din sakin yung pagiging praning lalo pa nung naintindihan ko na marami pala talaga kaming gastusin na pinagsisikapan nya. Swerte mo sa asawa mo mamsh.. masipag. Compare mo sa iba na nakahilata lang. Masasanay ka rin. Ang kailangan mo lang gawin suportahan sya.
para sa inyo naman ng family mo kaya sya mag aangkas eh tsaka momsh mas isipin mo yung safety ng asawa mo, kung ayaw mo pumayag mag angkas sya mas valid reason naman na gusto mo syang iiwas sa aksidente at mas gusto mo ng time makasama sya kesa pagbawalan sya dahil nagseselos ka.. tapos yung pagseselosan mo pa ni hindi man lang kilala ng asawa mo or di man lang kilala asawa mo..
Hala! Pasalamat ka nga po at may RD na sana yung bf mo. Kakapagod kaya yung 12 hrs lagi. Pero instead isispin mo na para makapag pahinga siya eh yung kinikita pa yung concern mo. Ang sipag nga ng bf mo kasi instead magpahinga eh naghahanap ng paraan para kumita pa para sa inyo ng baby mo. Try mo rin kaya tumulong sa gastosin niyo para di ka rin paranoid masyado.
Well given na 5 months preggy ka kaya siguro ganyan yung nafefeel mo.Alam naman natin na kapag buntis masyadong sensitive and emotional sa mga bagay bagay,but ate you must be thankful kasi ganyan ang asawa mo.Nagpapakapagod mabigay lang ang needs nyo ni baby.Dapat puro positive ka lang,wag masyado magpakastress.I think naman your husband really loves you
Kung ayaw mo ung naisip na alternative ng asawa mo tanggapin mo na mababawasan ang income na pumapasok sainyo. As simple as that. Kase base sa kwento mo hindi okay sayo na mababawasan salary nya nung ginawan naman nya ng paraan hindi parin okay sayo. San lulugar yung asawa mo sayo? Medyo may pagka immature kapa mag isip mamsh sorry ha pero un ung totoo.
haha sya na lang magsideLine kung ayaw nya payagan asawa nya 😅 just saying
Anonymous