SHARE KO LANG!
GOOD DAY MGA MAMSH! I WANT TO SHARE MY STORY ! ? MY BF IS SECURITY GUARD , 12 Hours Duty sa isang Sikat na Store Monday to Sunday Walang day Off. So Last Day Nabalitaan nya na ang Pasok nalang nila is Weekdays which is MON-FRIDAY ! Masaya naman ako Kase May Off sya kaso naisip Ko, sa Halip buo sasahurin nya Mababawasan Kase 5 days nalang mggng pasok nila sa Loob ng isang Linggo! ? so He decide na mag ANGKAZ sya evry Weekend. alam ko Familiar naman kayo dito mga mamsh! Kumbaga para syang Grab na pag may kelangan siyang ihatid sa Lugar eh ihahatid nya Gamit ang Single na Motor ? Pero ika nga Mas malaki ang Kita sa Angkaz at Hawak nya pa oras nya! ? so For me bilang Asawa. Nagseselos ako! noon paman ayaw na ayaw ko may makakabackride sya what more pa kaya sa angkaz na kung sino sino Makakasalamuha nya ! ?? Please advice mga mamsh! selfish ba ako? or Kelangan kona sya payagan para may income kame kahit Papano? ?? #5monthsPreggyHere

hindi ka selfish, wala kang lang tiwala at respeto. nag ttrabaho ung asawa mo para sa inyo. then gagawa ng extra work para may dagdag income at ikaw na imbis tulungan mo sya, palakasin ung loob nya at bigyan ng possitive thought, ay pag iisipan mo ng kung ano ano. ganito lang gawin mo these are the choices 1. sabihin mo makiusap sya doon sa binabantayan nya bilang guard na wag ng mag off. tutal 24/7 naman ata sya, pagurin nya sarili nya para kunin na sya ni lord ng maka pag pahinga nmn sya. 2. wag na sya mag angkas sa bahay nlng sya ng 2days mag titigan kayo baka sakaling may maghagis sa inyo ng perang kailangan nyo. 3. sumama ka sa knya mag angkas para pag babae ung iangkas nya mag escandalo ka na agad. 4. ikaw nalang mag work tapos kadena mo ung asawa mo sa lugar na walang bintana. 5. hayaan mo sya sa diskarte nya, kase kung hindi sya mabuting asawa o ama hindi sya mag babanat ng buto para sa inyo. maswerte ka kase responsable nmn ata syang lalaki, nakita mong gumagawa sya ng paraan for you extra income. teh wag kang immature ha.
Magbasa paGanyan din si hubby, ang pasok nya lang mon-sat so yung linggo na restday nya gusto nya ipang sideline like yang angkas pero sakanya habal habal. Selosa din ako that time kase yun nga kung sino sino nga nakakasalamuha nya kung sino sino pa inaangkas nya na babae kase kilala ko sya babaero yun. Nung mga oras na yon kinausap ko sya na wag na syang mag ganun kase illegal pala at hindi ko na kailangan ng malaking pera/dagdag pera kase yung sinasahod nya sa trabaho nya sapat na yon. Kung para sayo mommy kung di pa sapat sainyo yung perang sinusweldo ng asawa mo hayaan mo sya magdecide o kung gusto mo ikaw sumideline thru online kung alam mong nagseselos ka sa mga ginagawa ng mister mo pero gusto mo ng dagdag pera ikaw mismo gumalaw mommy. Yung ibang single mom nga dyan nakakaya nila kahit buntis sila nakakaraos sila. It's up to you na yan mamsh kausapin mo hubby mo.
Magbasa paActually what caught my attention is 1) 12 hours a day ang pasok nya 2) Walang day off 3) Since weekdays na lang ang pasok nya mababawasan ung sahod nya Unang-una sa lahat bawal sa batas na walang kahit isang rest day ang manggagawa sa isang linggo. In fact kahit magka rest day sya dapat intact ang sahod nya. Also bayad ba OT nya? 8 hours lang ang dapat na work hours. Anything beyond that should be paid OT. Is he being paid night differential for worked hours between 10PM and 6AM kung nai-sched sya ng ganyang oras ng pasok? Is he getting holiday pay? Pa-Tulfo nyo ang agency nya. And to answer your main question, for me I find you selfish and OA. Ang trabaho is trabaho. Walang personalan. Buti nga asawa mo ganyan, e. Ung iba either walang asawa or walang kwenta ang asawa. Catch my drift?
Magbasa paMomsh ang swerte mo na sa asawa mo doble kayod na para kumita ng pera. Lalo pa at quaratine pa ngayon mag 1 buwan na. Tayo mga babae emosyonal lalo pag buntis pero isipin mo to ha? Ano magagawa ng emotion mo kung walang kikitain na pera asawa mo? Lalo pa at di ka pa pwede mag trabaho. In a manner speaking oo selfish ka, alam mo bakit? Sorry if harsh akong magsalita ha? Magmamahal ka nalang naman may kasamang tiwala dapat doon na di mo na hindi niya gagawin ang talikuran kayong pamilya niya. May angkas ba na dapat all boys ang sakay? Kaya nga gusto niya extra income para di kayo kawawa ng anak mo lalo ang daily needs natin ay pagkain. 😊 think wisely momsh.
Magbasa paHabang binabasa ko ito pinipigilan kong matawa kasi parang alam ko na ang ending and yun nga tama nga ako "Selos dahil sa backride" kaya natawa na talaga ako. No offense po pero tumatawa ako kasi pareho tayong ayaw ng may backride na ibang babae ang partner ko. Kung kapatid okay lang pero yung mga kaibigan o katrabaho or kung sino pang iba ekis yan sakin. Haha 😅 Seriously, Sis, ok lang na ma feel mo yun kung aangkas dahil sa favor na sasabay lang pero kung yung pag angkas eh siyang magiging daan para kumita siya para sainyo then okay lang yan. Isipin mo nalang para din sainyo yan.
Magbasa paits up to you to decide. kung may panggastos naman kayo at sapat para sa pang araw araw at hindi nyo kailangan ng dagdag kita edi wag mo sya payagan mag angkas. kung kailangan nyo naman magipon para rin sa baby nyo at ayaw mo pa rin na mag angkas sya edi ikaw ang magsideline. di mo kailangan humingi ng opinyon pa ng iba dito dahil sarili mo lang din makakasagot nyan kung magiging makasarili ka ba o hindi. what if madaming sumagot dito ng payagan mo na para naman sa baby nyo e pero sa sarili mo ayaw mo naman talaga payagan. whats the use of asking opinion from others dba. real talk lang tayo
Magbasa paAngkas biker din work ng asawa ko. Super selosa ako. As in. May history na din sya sa pambabae before pero once lang yun. Nag sorry sya pinatawad ko kasi talagang nagsisi sya, Pasig sya sa laguna ako nakatira talagang hatid sundo pa nya ako non kahit bbyahe sya ng malayo makabawi lang... Mahirap ang selosa mamsh.. Pero totoo na malaki ang kita sa angkas, Pinagkatiwalaan ko sya ulit... Kasi im 6mos preggy na.. Sa isang araw nakaka 2k plus sya.. Kaya magandang work ang Angkas biker.. All you need to do is trust him.. Yan talaga kelangan natin sa isang relasyon.. TIWALA... 😊
Magbasa paMe, husband ko Security officer. Si SO buti nakkaupo mando jan mando duon pero ang security guard minsan wala sila chance umupo unless kakain sila.. Sobrang hirap ng work nila imagine 12hrs with OT n yan wala pa sya dayoff. Me, in 15days dapat my 2days dayoff sya mandatory ko un para mkapagpahinga sya kahit na abawas salary nya pero minsan nga di nangyayari.. So ung angkas maganda nman sqna un kasi iniisip nya pa rin may maibigay sayo but for me ayoko nyan kasi takaw diagrasya yan so sabi ko ipahinga nya na lang ung wala talaga silang pasok.
Magbasa paIsipin mo nalang masipag siya magtrabaho, ganyan din ako minsan nagseselos ako kase unang una puro na babae katrabaho ng asawa ko, minsan pa nga napapanaginipan ko isa sa mga katrabaho ng asawa ko is kabet pala nya dun sa trabaho 😂 di lang yun yung panaginip na may kabet asawa ko ah haha. o diba mas nakakaparanoid yon? kinokontra ko padin sarili ko kase sabe ng mga nakatatanda kabaliktaran daw yon so ayon tiwala lng tlga!!! hahahaha isipin mo nalang para sainyo yung pagtatrabaho nya 😊
Magbasa paTrust your bf and para naman sa inyo un ni baby. Kung kilala mo naman asawa mo and matino naman trabaho lang yan gagawin niya momsh. Ako, nag aangkas ako lalo na pag wala ako makuhang Grab kasi sila lang ung meun available. As a babae, never ako humahawak sa driver since merun naman toolbox sa likod and i make sure na may Space sa gitna or shoulder bag ko sa gitna dahil babae ako, lalaki siya. Para iwas bastos din po momsh. di ko siya kilala kailangan ko lang umuwi.
Magbasa pa