Random
Good day mga mamsh. I hope everyone is safe and doing fine despite of #TisoyPH. Random question: inaaswang din ba kayo? I am currently pregnant at 15 weeks and 5 days and I kept on hearing a very weird and creepy noise outside our window around 10pm to 5am. Nakakaloka.
Yes ako din.. im 31 weeks preggy now.. na eexperience ko din siya.. medyo natatakot din ako kasi tuwing madaling araw kumakalulong yung aso namin at may kumakaluskos sa may bubong.. buti na lang kasama ko lagi asawa ko.. nagsaboy siya ng asin sa mga gilid gilid ng bintana ng kwarto namin😊. At sa ilalim ng kama may kutsilyo just incase,may suot din akong rosary na may asin sa loob ng cross.. hehehe..
Magbasa padati po nung hindi pa ko nabubuntis di po talaga ako naniniwala sa ganyan.. pero eto pong buntis na ko at nakakarinig ng kalabog sa bubong namin (na sobrang taas na malabong maabot ng pusa or kung anu manghayop), at kuskos sa bintana tuwing 1am saka lang po ako naniwala😅 sabi pa po. ng kapitbahay namin nakita nya one time sa harap ng bintana namin sa kwarto mag paniki around 2am😰
Magbasa paMe i think yes... Isang gabi kasi parang may naglalakad sa bubong na malapit sa window ng room nmin.. Mga 2-3am un.. imposibleng pusa kasi ang tagal ng walang umakyat na pusa dun..ngyn lng uli kelan buntis ako.. kaya kinabukasan naglagay ako ng asin at bawang sa bintana, and bible sa kama, and more prayers.. from that night wala pa uli lumapit sa bubong...
Magbasa paSo far hindi ko nararanasan yan ngayon.. But my sister does, on her 2 pregnancies.. Palagi silang may bisita sa bubong during that time 😅 hindi rin sya makatulog kasi nararamdaman nya pag nandyan lang yung aswang sa paligid.. Ang ginawa ng asawa nya, nagsaboy ng asin saka bawang sa bubong nila.. It's really creepy but true..
Magbasa paSo far wala pa nman pero paranoid din ako sa ganyan kahit nasa ciudad na.d mo rin masabi.😅 good thing light sleeper kaya alerto. 😂 ...sabi nila kapg mas malakas ang ingay malayo siya, at kung humihina..mas malapit. Pero mamsh mas maging maingat tayo sa mga nangaaswang. 😂😂
Thank God hindi po. Actually hindi ako naniniwala kasi hindi pa naman po ako nakakakita ng ganun. Pero wala namang mawawala kung sinusunod ko yung sabi ng mga elders samin na magkabit ng bawang sa damit, magpula or black na damit, at magtabi ng tingting sa higaan.
Yes actually when I was pregnant. Before di ako naniniwala, but when I got pregnant, nakakarinig kami ng kaluskos ng bubong. We heard voice of a lady every 3 AM. Sinabihan din kami ng kapitbahay na may naririnig sila na naglalakad sa bubong nila.
on my first born may naririnig kami na ik-ik sa gabi nakakatakot minsan kasi maririnig mo sya na malapit lang, nung una d ako naniniwala pero even ung neighbor namin naririnig niya. kaya ung windows ko sa room nilagyan ng bawang.
yes po suki ako nian hahaha mas marami tlaga sa syudad na aswang since marami dito hndi naniniwala mag dikdik ka lng po ng bawang and luya na may asin lagay mo sa bintana or bubong nio
At peace ako makatulog not until mabasa ko tong post na to. Mag isa ko lang nttlog sa gabi at bukas ang bintana. Takot nako 😫