Bedrest
Good day mga mamsh! Galing po ako ng OB ko kanina for follow up check up. Nung nag ie sya sakin, almost 1-2cm nalang nasa pwerta ko na yung uterus ko, sobrang baba daw at open cervix din ako, 1cm na. 19 weeks palang po ako. Last January, naconfine ako kase may subchorionic hemorrage ako. Nagtetake ako ng duvadilan at duphaston, 1x a day nalang pero ngayon after check up ko, tinaas ulit yung dosage sa 3x a day. :( Nagpapaalam ako sa Supervisor ko na magpaid magleave kahit 7days lang para makapahinga kaso hindi sya pumayag. need pa daw approval ng hr, pero sabi ng ibang supervisor, nasa discretion na daw yun ng sup ko kung iaapprove nya yung leaves ko or hindi. Ano po kaya pwede kong gawin? Yung Bedrest ko kase for a month, pinafile na sickleave sakin sa SSS, kaso till now wala padin update. Almost 1 month akong walang work at hindi bayad ni company kaya yung ipon ko naubos talaga.