16 Replies
Hindi mo naman kelangan madaliin ang Paglaki nang tiyan mo lalo na‘t ipapahilot mo pa, hindi safe yun maraming disadvantages ang hilot sa buntis pwede mahilot ang mukha nang anak mo or mga parts na maseselan pa. 6mos onwards ang bulusok ng tiyan. Pag may OB ka siya lang dapat pakinggan mo hindi kung sino sino kasi pwede mong ikapahamak at worst lalo anak mo.
safe naman po magpahilot pero yung mild lang.. yung hilot pangbuntis lang talaga .. tsaka hindi po reason ang hilot para lumaki tyan mo, siguro sadyang maliit ka lang magbuntis or maliit lang baby mo.. much better to visit your OB regularly para mamonitor kayong dalawa ng baby mo, at mabigyan ka ng tamang vitamins .. 😊
hindi nmn po lahat malaki magbuntis. kagaya ko po di rin kalakihan tyan ko pero healthy si baby. meron lang po talagang kababaihan na maliit magbuntis😊 hanggat wlang sinasabe si ob about sa laki o liit ng tyan mo wag ka po magworry. ☺️
hindi naman magka pareho tiyan ng buntis. May kakilala nga akong nabigla nalang kami may baby na siya kasi di mahahalatang buntis tiyan niya pro downside is underweight baby niya. Kain nalng kayu ng saktu and healthy
aking nga ganyan din napagkakamalan bilbil, kung d nman mababa matris mo no need pahilot, maganda nga un d malaki baby para daw d mahirapan ilabas si baby
Yes po, na try ko din to nung 5 at 7 months ang tyan ko para maposisyon daw si baby sa loob, so far wala naman pong epekto sa baby boy ko..
sa kin poh 5 months nagpahilot ako nun para mapwesto c baby okay naman c baby sa tummy ko pero dapat expert na yung maghihilot sa iyo
Mommy nung nag pa massage ako, ang tinatanggap naman nila atleast months. Prenatal Massage. BlueWater Day Spa
delikado po ask your OB, follow your OB, they are health professionals....
Thank You 😍 ilang Months Yung tummy nyu na pwede mapahilot?