Nakakairita lang
Going 8 months na po tyan ko tas breech pa rin si baby tas dami ko nababasa at sabi rin ng mga ob na napapanood ko na magpatugtog sa puson para sundan ni baby, ginawa ko kagabi tas nakakairita lng nagalit saken tita ko kase iinit raw phone ko sa puson ko chaka tulog pako eh di naman mainit phone ko, tas mas nkakainis pa pinagtawanan ako ng tito ko, yung tawa na may halong pang asar ganon, di raw totoo yon kase yung radiation ng phone mapupunta sa bata, para bang sila na lang palagi dapat may alam, di nila alam dami ko binabasa tungkol sa pagbubuntis, sila puro lng naman sila salita wala silang nababasa

Kaya ako, simula nung nabuntis, pinili ko lang talaga kung kaninong opinyon at payo ang susundin at papakinggan ko. Katulad ng mga payo mula sa OB ko at mga nakukuha kong info from medical journals and articles about pregnancy. Hindi ko rin inannounce sa social media yung pregnancy ko dahil for sure, ang daming unsolicited advice akong maririnig. Hindi kasi maiiwasan na magbigay ng advice ng mga taong nasa paligid natin na para bang dapat nating sundin mga sinasabi nila. Na in fact, iba iba naman ang pregnancy journey ng bawat babae. Kaya ang ginagawa ko, pasok sa isang tenga, labas sa kaliwa dahil pag pinansin mo, maiirita ka lang talaga. BREECH Breech position din baby ko nung 6 months. Ganyan lang din ginagawa ko. Nagpapasounds ako sa may bandang puson, minsan gamit ko cp, minsan naman yung wireless headset ko. Then naglalagay ako ng flashlight sa may bandang pwerta ko. Kasi nakakaaninag na daw ng light ang baby at susundan daw nila yun. Ayun, so far umikot naman si baby. Naka cephalic na sya by 7months. 9months na ko ngayon and still cephalic presentation si baby.
Magbasa paHi mhie. Very wrong yung pinagtawanan ka pa though i agree mhie na may radiation talaga yung phone so much better na wag masyado ilapit sa tiyan or pusod. Naka breech din si baby before and instead of phone, speaker yung nilalagay ko po malapit sa tiyan or kung phone man yung gagamitin ko, nasa may bandang tuhod na yung phone para di ganun kalapit. Ayun, effective naman and cephalic na yung position ni baby ngayon ☺️
Magbasa paWell I did this before and still doing it now. Instead putting your cp, try using a headset instead. Yun ang Ilagay sa may ilalim ng puson. According to what I read, if Kaya pa at hindi masikip, kusang ppwesto sa tamang birthing position si baby. Going 8 months na din ako mi. Pero nung 22 weeks Naka cephalic na sya. Kaya hoping ako na di na Sana nagbago.. Kaso mejo malikot si baby eh, Kaya possibleng nagbago pa un.
Magbasa paAko po since nalaman kung develop na yung hearing ni baby nagpapatugtug na ko malapit sa puson kaya 24 weeks palang naka cephalic na siya. Wag po kayo makikinig sa mga sabi sabi, gawin mo po anong gusto mo wag mo sila intindihin, tayo ang manganganak kaya inaalam natin yung mga bagay na makakatulong satin. Puro research Lang din ako ng dapat gawin para di ako mahirapan. Tiwala lang My makakaraos ka rin.
Magbasa paay momsh ginawa ko yan nung mag 8 months na tyan ko pero breech pa din sya, kaya ginawa ko yung flashlight tas tugtog sa puson, tas one time naramdaman kong umikot na nga sya tas pagbalik ko sa ob ko sakto 8 months na tyan ko, naka cephalic na sya. sobrang worried ko non kase akala ko dina sya iikot lalo't malaki baby ko. sa awa ng dyos pinakinggan mga prayers ko😇🤎
Magbasa patas try mo din po yung mga pelvic exercise, sharing is caring lang po. mabilis kolang po kase napaikot si baby kahit malaki na sya sa tummy ko.
breech din ang baby ko almost 2 weeks na ako nglalagay ng phone sa may pempem ko..knina ultrasoubd breech pa din sya naka dapa 😅 mas okay siguro ung headset kesa sa phone kse true na nanginginit sya ang init sa hita 😅 di ko na din alam ggwin ko para paikutin sya hehehe
Kausapin mo din si baby mhie. Lahat ng OB and midwife na kinausap ko, yan yung pinayo sakin bukod sa magpatugtog ng music. Cephalic na position ngayon ni baby ☺️
possible din talaga uminit ung phone at ung radiation niya mii malakas, better po nkaheadset or nkakonek nlng po ung phone nyo sa bluetooth speaker, pero di lahat effective yan kasi if c baby malaki na, di na talaga yan siya mkakaikot pa,
wag mo naman ilagay sa puson mo i bababa mo pa banda sa may pepe mo tapos waq naman masyado malakas yunq kaunq dalawa lanq makakarinig nq baby dahil ganyan ginawa ko nq 4 months palanq tiyan ko breech siya
Mi wag mo lang ipatong sa puson. Sa bandang pempem dapat pero di pa din nakadikit. Also, mas maniwala ka sa ob mo kesa sa mga tita mo. After all, sila ob ang nag aral ng ilang taon kaya alam nila yan.
kaya nga mga pake alamero walang alam. mas marunong pa sila sa buntis sino ba yan tito mo na yan ng masapak kapal ng mukha
new mom :)