Topic: In lawsDito na lang ako mag rant. In laws na lahat na lang pinuna.
Nakakastress pag yung MIL mo is lahat na lang pinuna sa anak mo. Im pregnant sa 2nd baby i have 17 mos old. Saulo ko na anak ko. Alam ko kung paano sya kumilos. Tas pag nandito si MIL sa kwarto ang dami sinasabi halos paulit ulit. Nakakarindi, naduduling kesyo yung bata dahil sa phone (di nya alam na pag so FIL ang may hawak halos itutok sa TV yung bata, di naman ako makapagsalita na. Binanggit ko na dati na wag papanoorin ng ganong kalapit wala naman nangyare), dapat ganto ganyan. Ang dami nyo gamit, at kung ano ano pa. Nakakairita 🥲 tas di alam ng asawa ko na may mga ganong sinasabi yung magulang nya sakin. Tas eto pa, bigla bigla isasama yung anak ko sa kung saan saan na hindi ko man lang alam or hindi manlang nagpapaalam sakin. I feel disrespect ba sa ginagawa nila. Di ko na sinasabi sa asawa ko kesa parehas pa kami mastress sarilinin ko na lang 😠nakakapagod na din. Gusto ko na sumuko. Wala akong kalaban laban dto 😠ang hirap mag isa. Ang hirap walang nanay sa tabi 😠#inlaws #fyp