Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang sakin naman, ganyan rin nun mag 2weeks ko nalaman na buntis ako kase di na ko dinatnan nun then nag pt and naging result is positive. Hindi ko alam gagawin ko nun natatakot ako na ewan. Then sinabi ko sa tatay ng baby ko na buntis ako. Nung una ayaw niya maniwala ayaw nya tanggapin na sya yung tatay. Gusto nyang ipalaglag bibili daw syang gamot, so sabi ko sige pag naipadala mo papalaglag ko to. nagkataon nasa ibang sya nagtatravel nun kaya nung nagpadala sya ng medicine galing pa ng ibang bansa. Nung dumating yung gamot sobrang bigat sa pakiramdam kase akala ko kaya ko pero hindi ang ginawa ko tinago ko yung gamot, ilang araw nagchat sakin yung tatay ng baby ko tinanong nya ko kung ininom ko ba, sabi ko hindi ko iinumin yung gamot bubuhayin ko yung baby. Then nagalit sya sabi nya wala na daw syang responsibilidad kase napadala nya na yung gamot. Sabi ko okay, pabayaan mo na lang kami magpakasaya ka at sana kayanin ng konsensya mo. Tapos ayun isang buwan kaming di nagkausap. Nung nagpa ultrasound ako, nung narinig ko hb ni baby nakaramdam ako ng sobrang galit nun sa tatay ng baby ko, pagkauwi ko galing hospital sinend ko sa kanya yung pic ng ultrasound. Sabi ko, hindi ko sinend to para pwersahin kang panagutan to o istorbohin ka sana makayanan yan ng konsensya mo habang nagpapakasaya ka. Then nagalit na naman sya ibloblock nya daw ako (which is di nya naman ginagawa ilang beses nya yun sinabi) block nya daw ako pag nagsend pa ko ng ultrasound ulit sabi ko naman, "do it now" then may mga sinabi pa sya after nun pero di ko na sya nireplyan nun sineen ko na lang sya kase wala na ko balak makipag-usap kase di na ko umaasa na magsusupport man lang sya. Pero after few hours nagmessage sya na sabi nya susuportahan nya daw yung baby. So syempre sabi ko "Okay". After nun, 1month ulit kami di nakapag-usap. After a month nag message sya ulit kinukumusta nya lagay namin ni baby tapos tinatanong nya yung gender ng baby, that time di ko pa alam gender ni baby. Sabi, message ko daw sya pag alam ko na so ayun after a week nag pa utz ako then girl si baby. So syempre sinabi ko sa kanya. (Shortcut marami pa kami convo after😂 Last week nagmessage sya ulit mahigit 1month din kami di nakapag-usap ulit e. Hinihingi nya yung account# ko sa bank, nanibago ako kase ang dami nya ng tanong about kay baby kinumusta nya na si baby. Tinatanong nya kung anong sabi ng doctor tungkol kay baby, then gusto nya isend ko yung picture ng recent utz ko, which is dati galit na galit sya. Sabi ko kaso 2D lang yung utz ko di mo rin makikita ng maayos sabi nya "Its okay, just show me" so ayun sinend ko. Then minark nya pa yung head ng baby sabi nya "Its her head?" sabi ko naman "maybe" malay ko ba di rin ako marunong tumingin ng 2D utz eh😂 Sabi ko maybe nextmonth mag utz ako ng 3D para mas kita yung face ni baby then nagulat ako tinanong nya kung magkano ung 3D. Tapos kinabukasan sabi nagdeposit sya ng pera sa account ko sabi ko bakit? ayun nga daw pambayad ko raw sa utz, nagulat lang ako kase ang usapan namin magbibigay na sya pag lumabas na si baby tsaka malaki din kase yung amount na binigay nya sobra sobra yun pang utz. Tapos dapat daw sabihin ko sa kanya lahat mga nangyayare kay baby para alam nya. So ayun nga ngayon okay kami pero hindi ibig sabihin nun na magsasama kami ang importante is naramdaman ko na love nya si baby at di nya pababayaan. Sabi nya pa pupunta sya dito this year para magkita kase may contract kami na ginawa about sa support nya kay baby. Ang nakakatuwa pa dun sya pa nagbigay ng name ni baby mas excited pa sya sakin magbigay ng name, e ako nga wala akong maisip😂 (Kaya po may english yung convo kase foreigner po tatay ng baby ko.) Ang ginawa ko lang naman is pray ako ng pray kay God na sana buksan nya yung isip ng tatay ng baby ko, pinagpray ko talaga na sana magbago isip nya na maisip nya rin yung baby nya. Which is ngayon ramdam ko na sinagot at dininig ni God yung prayers ko. Kaya mommy pray lang po ng pray malay mo rin diba? Always fighting lang. Sensya na napahaba ang kwento. Haha

Magbasa pa