Nakakataas po ba ng sugar pag puyat?

GDM. Binigyan ako ng meal plan ng doctor and pinapamonitor sakin sugar ko 2x a day. Dapat daw before breakfast below 93mg/dl and after lunch below 140mg/dl. Pero pansin ko di ko ma-hit yung target na below 93 sa umaga pag kulang ako sa tulog. Pero yung after lunch ko naman mababa at never ako nagover sa 140. Meron po ba same case sakin dito? Nagtataka po kasi ako bakit ganon

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

GDM here.. yes po naask ko na din po sa doctor ko sa diabetes kung nkakataas ng blood sugar ang puyat pati po stress nakakataas din daw.. minsan daw po may mga activities tau ginagawa na nkakataas ng blood sugar hindi lang daw po sa pagkain.

1y ago

thans mi! so tama pala ko ng naobserve na may kinalaman ang puyat. so kagabi mganda tulog ko di dn ako nagising sa madaling araw at kakacheck ko lng this morning, mababa ang sugar ko :) kahit andami ko nakain kagabi dahil galing kami handaan, kumain pa ko dessert buko pandan hehe