Dugo (FTM po)

Gano po kayo katagal dinudugo after manganak (normal delivery)? Ako kasi mag 1month na sa Jan14 mula nung nanganak, tas may dugo pa rin lumalabas sakin. Parang isang napkin for one day ang dami.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

2 weeks sa akin momsh then yung following week pakonti konti na lang kasya lang sa pantyliner. Sa tingin ko iba iba naman po meron naman longer pa kaysa sa 1 month.

1 month po sken. Tapos tumigil na hayaan nyo lang po. Kung di naman na po ganun kalakas. Titigil din po yan. Basta wag po kayo magbubuhat ng mabibigat.

Ako din po 1month na ngaun dec 12 ako nanganak may dugo pa din . Normal delivery !

mga 1 mos..din..after normal delivery.. then 4 mos..after bumalik ang regular menstruation ko..

Dec.11 ako nanganak. Dec.22 nag stop na yung blood ko. Normal delivery ako.

Mag1 month nadin ako sa jan16 dinudugo parin ako

VIP Member

ako po 2 mos na. normal pa po kaya yun?

VIP Member

sakin 2mos ako dinugo. cs ako.

1mo.higit..normal din ako

Almost 2 months din