normal delivery
Gano po ba kasakit ang normal delivery? Kabwanan ko na po kase ngayong October, kinabahan po ako. 18 yrs old palang po ako feel ko di ko po kaya yung sakit :
Nun Sept lang ako nanganak.. para sken ang masakit yun contractions un mismong pagire pag andun na parang hnd mo na mararamdaman sa dami ng tao sa delivery room. Tpos parang dhil sa gusto ko lang matapos go lang nang go.. iaassist k nmn ng mga doctor if tama ba gngawa mong pagire (sa med city) kasi tinuturuan nila pano huminga ang magexhale. So ayin 16mins lumabas na si baby. :)
Magbasa paNo sweet talk here.. Masakit, sobra. Feeling ko kahapon parang binabasag mga buto ko. Yung pag-iri napakasakit, malaki kasi si baby 7.8 lbs.. Pagkalabas nya tahimik lang ako. Nakatingin sa kisame kasi sobrang pagod, nanginginig ako. Pinilit ko lang wag makatulog kasi bawal.
Last year lng ako nanganak 18 din ako.. ganyan din ako natatakot din kac 1st time dko alam mangyayari.. habang nasa delivery room ako tiniis ko lahat ng sakit.. peroyung sakit nayun nawala ng makita ko na ang 9months kung inalagaan sa cnapupinan ko😂
1st time mom, masakit yung labor pero ung ilalabas mo na si baby tutulungan ka naman ng ob at mga assistant nya. Ire ka lang ng patae. Di mo na mafifeel ung pain pag crowning na si baby. Kaya mo yan mom. Nagawa na ng marami yan kaya mo rin. 😊
Ako first time sis at 34 years old nko but I am hoping for normal delivery kasi ayoko maCS ma's matagal kasi healing period, kaya m yan sis maybe its all in the mind, hehehe isipin nlng ntn pra sa baby ntn to kaya kakayanin ntn
Hindi ako normal ng nanganak sa 2 babys ko pero dapat kayanin mo ang sakit at umiri ka kase pag di mo kinaya ang pag ire pwde kang ma.cs ganyan din nangyare sa kapitbahay namen 16yrs old lang di niya kayang umire kaya na cs sya
Masakit mag labor, pero kapag lalabas na si baby, sarap na umire. Lakasan mo lang loob mo, wag mong isipin na di mo kaya. Think positive ka lang, kung di talaga kayanin cs na. Basta irelax mo lang sarili mo. Kaya mo yan 😇
Ganun din ako before ano ano na naiisip minsan naiisip ko nang mag sulat ng letter kung sakaling mamatay ako sa panganganak haha... Kaya mo po yan di mo na mafefeel ang sakit kasi iisipin mo nalang talaga matapos na panganganak mo
Hi sis!! Kaya mo yan. Sabi nga ng ob ko advantage daw nating mga teens pa kasi di raw tayo gaano mahihirapan, 19 y/o here. Basta wag mong labanan tuwing nagkocontract ka. The more na nilalabanan mo, the more na mas masakit.
Isipin Mo n lng sis d maiiwasan.. at ksama siya sa process para Makita mo si baby at Hindi mawawala ung pain hanggat d nailalabas si baby. . Haha gusto ko n din manganak ng matapos n.. 😅
Mompreneur| Single Mom | Happy mom of a chinito prince | Buk ➡️ CGY| Ig: @ionsmom_