51 Replies
Hindi pang induce ng labor ang evening primrose. Kung bigla kayo nag labor after using evening primrose, nagkataon lang un ok. (For me) Ang Evening Primrose ay pampalambot ng cervix (pang ripen) para hindi sya mahirap mag dilate. Dati pinapa take ko orally ang primrose during the early years of my practice, few years ago nag start na ko na pinapa insert sa vagina ang primrose before matulog. Mas nakita ko na may cervical softening pag pinapa insert sa vagina lalo na during labor, ginagawa ko un sa patient ko. Hindi din ako nag bibigay ng Buscopan tablet sa patient, during labor ko yan ginagamit, hindi tablet, ung ini inject sa swero na nila. Naniniwala din ako sa Pineapple (fruit, wag nyo ko tanungin ilan pinya ang kelangan kainin kasi wala formal study) sa Dates ( 6 dates per day starting at 36 weeks) at Raspberry Tea Leaf ( 1-2 x per day starting at 34 weeks). Kahit wala pa formal studies or wala pa ni isa study na effective sila kasi nakita ko may effect nga sa cervix ng mga buntis ko. Madami pa iba na natural cervical ripeners. Basta ako yan tatlo lang na yan for me. And syempre pag may GDM ang pregnant ko ina adjust ko din ano ang pwede sa kanila dyan. Pwede din naman hindi kayo gumamit ng mga yan, lumalambot din naman. Minsan hindi nyo na kelangan. Pag hindi ako nag advise meaning hindi nyo kelangan confident na ko sa cervix nyo. Hindi sya A MUST. Pang tulong lang pag kelangan.
PARA SA PAMPALAMBOT NG CERVIX (Cervical Ripening) Kung ikaw ay mag-sesearch sa internet, makikita mong ang isa sa sinasabing pagkain o prutas na pampalambot ng cervix ay ang pinya. Ito ay dahil umano sa bromelain enzymes na taglay nito na nagpapalambot ng cervix at nagdudulot ng contractions sa tiyan ng isang buntis. Pero ayon sa siyensya ay wala pang clinical evidence na makakapagpatunay nito. Bagamat may isang 2016 study ang nakapagsabi na ang pineapple juice ay maaring magdulot ng contractions kapag inapply directly sa uterine tissue ng isang babae. At hindi sa pamamagitan ng pagkain nito. Ganito rin ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa noong 2015 sa mga buntis na daga sa Nigeria. Paliwanag ng mga researchers, ang pineapple juice umano ay nagdulot ng contractions sa uterus tulad ng nagagawa ng hormone na oxytocin. Ngunit ang epekto na ito ay nangyayari lang kapag deretsong inilagay ang pineapple juice sa uterus. At nawawala kapag ang juice o extract ng pinya ay ipinasok na sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Kaya naman mula sa naging resulta ng dalawang pag-aaral, masasabing ang pineapple juice o extract ay hindi epektibong pampalambot ng cervix. Ngunit ito naman ay healthy paring kainin ng isang buntis. Huwag lang sosobrahan dahil ito ay maaring magdulot ng heartburn.
Kung nais mong matulungan na bumaba ang iyong cervix, makabubuti ang pagbangon at paggalaw sa iyong tahanan. Maari mong subukan ang mga sumusunod na paraan: Maglakad sa paligid ng silid Gumawa ng mga simpleng movements sa kama o upuan Pagwawalis sa tahanan Pag-aasikaso sa iyong mga tanim Pagsasayaw ng simpleng hakbang Gumamit ng exercise ball o birthing ball Regular na pagtawa
hindi naman po nakakalambot ng cervix ang pineapple.. nakakahelp lang po sa contractions, yun po ang alam ko. kaya bawal sya kapag first trimester kasi baka makunan kapag nagcontractions ganun.. anyway, luya po at tea. mas mabisa po kaysa sa pinya. 😊
ako wala mga kinaen o ininom. Puro kilos lang ako sa bahay, panay lakad. ganian lang gawa ko everyday. kaya naman nun feb 14 nanganak na ako. 37 weeks and 2 days lang tyan ko nun nanganak ako. hndi na umabot ng 40 weeks
my ob recommend me na kumain ng pinya para sa constipation lang wala naman po sinabi na pampalambot ng cervix..pero di naman daw bawal ang pinya sa buntis
Omg.. pampanipis ba ng cervix ang pinya... 19weeks preggy po aq.. mahilig po aq sa pineapple juice at sa pinya mismo..
di Po totoo, nagpipinya din Ako til now. nuod po kayo sa TikTok acct Ng ob , fb Ng mga kumadrona at searchable din sya sa google. lahat lng Ng sobra nakkasama. healthy po ang pinya
Mas maganda po na mag-consult kayo sa OB niyo mommy to confirm po if eating pineapples or drinking pineapple juice can help para po safe and sure.
Mas maganda po na kumonsulta kayo sa doctor niyo mommy if may effect po ang pagkain ng pinya or ang pag-inom ng pineapple juice.
yes totoo d tag pinya ngaun kaya nga ang mahal sa palengke mapagbilhan huhu gstu q pa Sana fresh kso wla del Monte nlang incan
Sue Ann Que Cabs