tanong ko lang po mga momsh

Ganito po kasi yun. Nakwento ko kay hubby nung mag jowa kami tapos nambabae sya nasaktan ako ng sobra sumama ako sa mga kawork ko pero hindi naman po ako nakaipag inuman bonding bonding lang kilala naman po nya ko kahit gaano katindi problema ko hindi ko idadaan sa alak. Ngayon po ang usapan sa bahay ng friend namin na babae marami po kami kaso pagdating sa bahay ng kawork namin hindi mga naka attend yung iba kasi mga pinag straight so 3 ang babae ngayon po yung 1 girl lasing na lasing tapos kasama nya bf nya kaya hindi ako sumabay sabi ko sa friend ko hatid nya nalang ako mamayang 4am sa labasan para makauwe pumayag naman po sya kasi 2am naman na sila natapos mag inuman ngayon nagpa iwan isang ka work namin nakatulog naman sila pero ako pinilit kong hindi makatulog ewan po ba iba pakiramdam ko. Hindi kasi ako sanay sa mga ganung eksena kadalasan kasi kapag sumasama ako sa ganyan kasama ko pinsan ko or bestfriend ko tapos nung nagka bf ako si jowa kasama ko kaya hindi sya ganun umiinom para makauwe kami ng maayos. Ngayon po nagising si boy parang nagpapahiwatig na tabi nalang kami matulog pero sinabi ko hindi naman ako matutulog kasi baka hindi ako magising agad. Tapos ayun na nga po inaya nya na ko makipag sex sa takot kong awayin sya dinaan ko nalang sa biro. Sabi ko po. Gago ka ba!wag mo ko itulad sa iba gago may saka may ka live in kana abnormal lasing ka lang!( pabiro po yan na sinabi ko) Tapos maya maya ginising ko friend kong babae nagulat din sya na dun pala natulog kasama namin na lalake. Galit ma galit ako sa kanya nun sabi nya kasi matagal na daw ako type nun buti daw pinakalma ko sarili ko kasi baka mamaya kapag inaway ko pilitin ako. Tahimik po si hubby nung nagkukwento ako tapos bigla bya sakin sinabi. Baka hindi sakin si joy aah..! Me.hmfff Hubby; Pero hindi eh sakin talaga yan xerox copy ko eh lahat ng makakita sinasabi kamukha ko. Yung ibang ugali ko nakuha din. Saka alam ko talaga sakin yan.. Me.hmfff bakit napatanong ko kung sayo si joy? Hubby.wala lang pero hayaan mo na yun alam ko naman nuon sakin talaga yan eh saka alam ko naman hindi ka ganung babae. Kung kayo momsh ano mararamdaman nyo?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ok naman yun. Inaako niya talaga na siya ama saka sure daw siya. Sinabi niya rin na hindi ka ganong babae means kilala ka niya. The fact na pinapayagan ka niya sa mga ganyan means may tiwala siya sayo. Wala naman akong nafeel na nagduda siya base sa kwento mo. Pero kung gusto mo maiwasan yung ganyang feeling, lahat naman tayo ayaw na pinagdududahan tayo e. Since may family na kayo, pwede namang magpass na sa mga ganyan. Know your priorities and limitations. Para sa ikabubuti ng relationship niyo yun, maiiwasan mga pagdududa. Kadalasan kasi nagiging reason pa yan ng hiwalayan. Kawawa ang mga baby 😊 Pero nasa inyo pa rin yun kung paano niyo ihandle relationship niyo.

Magbasa pa
Super Mum

Hahaha ganun din sakin momsh, pg mainis ako minsan sa hubby ko sabihan ko xa sure ka ba na ikaw ung ama ng anak natin? Hahaha tapos sbi nya halata nmn sa mukha e copy paste. Hahaha hay nko momsh, ung mga gnyang bgay di dpat sineseryoso. Pero dpat ilagay din sa lugar lalo na pg tingin mo bad mood c hubby wag ka tlga mgbiro ng gnyan pero pag okey nmn mood nyong dlawa. Oks lng bsta alam ninyong dlawa hnggang san ung limit ng mga jokes nyo. Though not a good joke. Pero dpnde na po yun on how u handle the situation and kung gno nyo kakilala ang isat isa. Hehe yun lng po

Magbasa pa

haha..wala..matatawa lang ako..kami kase ni hubby madalas magbiruan ng ganyan eh..yung minsan sinasabi ko sa kanya na bakit sigurado ka ba na sayo tong dinadala ko?sabi nya naman yun nga iniisip ko eh..kung akin ba talaga yan..tapos magtatawanan na kami..hehe tapos babatukan ko sya..tapos sasabihin nya na paglumabas yan si baby kamukha ko yan pogi rin yan..haha ginagawa lang namin biro yung ganung asaran pero wala naman kaming pikunan kase nakakasigurado naman kami sa isat isa..

Magbasa pa

Dapat di ka mainis sa knya..binigyan ka naman nya ng assurance na alam nya na sa knya yun at di ka ganon na babae. Siguro napaisip lang sya na may mga ganong eksena pala. Siguro kung ikaw kwekwentuhan nya, medyo kakabahan ka din.

Pag ganyan matatawa ako. Hahahha masyado kasi kaming kumportable ni hubby sa isa't isa kaya no wonder ganyan dn sasabihin nya sakin if ever. Peri alam ko nmn na pabiro lang

be thankful malawak si hubby mo ksi s iba yan pag iisipan ka nun ng iba..

VIP Member

Kung ako maiinis ako