Usapang Biyenan

Galit ka ba sa biyenan mo? Or maganda ba ang relationship n'yo?

Usapang Biyenan
651 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi naman.. pero parang malapit na.. nakakabwiset na kasi yung hingi ng hingi samin ng pera, ng pambili ng kung anong gsto nya. ok lang sana kung hindi nila alam yung sitwasyon namin. bagong opera yung apo nila. ang laki ng nagastos na ni piso wala silang inambag. ni kamusta madalang. pamilya ko lang ang laging may pakialam sa anak ko. tapos pag hihingi ng pera samin hihingi. nagpapaawa lagi sa asawa ko. syempre bibigyan naman ng mister ko. napakainsensitive nila. ang sama sama na ng loob ko. mula umpisa wala silang inambag samin. wala akong hiningi. pinamukha pa sakin dati na hindi ako pakakasalan ng anak nya hanggat di tapos obligasyon nya sa pamilya nila. kahit napapahiya na ko hindi ako umiimik. halos wala kami ipon nung nagpakasal kmi kasi sa knla napunta lahat ng ipon at sahod ni hubby noon. tapos ngayon kahit alam nila sitwasyon nmin n walang wala kmi kukunin pa din tlg nila yung dpt para samin ng anak ko. nakainis na.. malapit ko na ibalik sa knla yung asawa ko. gawin nila ulit ATM. money machine. pension. gatasan nila. (sorry for the term) pero yun nmn tlg role ng asawa ko kht noon pa sa pamilya nila. 😫😒😠

Magbasa pa