May tubig na lumabas pero milky? Ask ko lang if water bag ba eto?

Galing kasi ako nang sleep pag gising at pag tayo ko may biglang tumulo then yan na. Na worry kasi ako kasi first time ko din nalabasan nang gantong amount ng water pero not clear water parang milk ang consistency nya. Please enlighten me kung ano eto 🥺 Actually kabuwanan ko ngayon. Edd ko is 27

May tubig na lumabas pero milky? Ask ko lang if water bag ba eto?
13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagcomment po ako under Finna Aleli regarding sa convo nyo dun. Regarding sa kung panubigan, sa experience ko po (kasi maaaring iba iba tayo), nagexpect ako nung napapanood sa tv na maraming water pero hindi ganun. Parang ganyan po then may bahid na kaunting blood. Parang may nagpop nga dun sa feeling then nabasa ang undies tapos nagpalit ako at after a few minutes lang ay basa ulit. Yun na po pala. Hindi talaga yung flowing. Iba iba daw po kasi depende sa built, sa tubig, sa katawan at mga factors. So tumawag po ako sa OB ko at tinanong kung iyon na po ba. At ilang oras lang sumasakit na. Pag may contractions po kayo isa pang way to check yung interval kung mas mabilis na. Nagdownload po ako ng app na contractions or something para magmonitor. Sana makatulong at good luck sa inyo.

Magbasa pa

Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!

Magbasa pa

Hi. 2nd time mom. Based kung panubigan ang lumalabas sa iyo dapat tuloy tuloy, at parang wiwi na ayaw pumigil. panubigan ko medyo yellow ang lumalabas sa una white siya na parang milk kalaunan naging yellow at tuloy tuloy di mo mapipigilan kaya dapat ipa-check up mo na sa Hospital or sa lying in na pag aanakan mo to determined kung manganganak ka na.

Magbasa pa

nung sa akin po may narinig ako na nag pop na sound then ganyan po ang lumabas sa akin. not clear na water na parang milk.. sumunod po is may konting blood na na lumabas sa akin. after an hour po nag start na contraction.. bantayan mo nlng po

Sa tingin ko mi kailangan mo na magpunta ng hospital lalo at kabuwanan mo na pala. nung pumutok kasi panubigan ko eh di naman siya tuloy tuloy pero nagpasugod pa rin ako sa ospital at ayun na nga, labor na pala ako.

monitor mo lang po mii ganyan kc ako dati may lumabas Ng konte , tapos Maya Maya nag onti onti agos na sya na parang naihi pero d Naman baka kc panubigan na, wag po kau mag stress para mamonitor nyo po☺️

8mo ago

iba iba po kc Meron po na panubigan na bigla nalang naagos as in pop po mararamdaman mo talaga sya , Meron din Naman po na unti unti lang Muna, kc sken ganun nangyare tulad Ng kanya may konti ,tapos nag tuloy tuloy pero konte konte kinagabihan biglang may Ng pop , bulwak talaga ung panubigan nanganak na aq Ng madaling araw po, SA panganay q, kaya mas mainam na monitor or check up po Kay ob para mas sure, iba iba po kc Meron din Naman na d nag pop ung panubigan pero manganganak na,

Ganyan din po ako mi, pero nanganak napo ako nung march 18.,1month nkmi higit ng baby ko. Pag naramdaman mo na ang kakaibang sakit every 5mns senyales na po na maanganganak kna.

Kmusta na momsh? Nagkakaganyan ako pero malayo pa ang kabuwanan ko, sabi kasi sa center na pinagchecheck up ko normal lang ang may discharge white or yellowish.

Hindi po. Pag panubigan po ang pumuputok, tuloy tuloy po yun na parang ihi pero hindi po ihi yun.

check mo nalang s ob KC d Naman lahat as in marami ang lumalabas n liquid kapag Ka manganganak na.