Ilang oras bago mapanis ang breastmilk?
Gaano po katagal ang breastmilk kapag wala sa ref o freezer? At ilang oras bago mapanis ang breastmilk kapag nasa ref o freezer? Salamat po sa mga sasagot!
Anonymous
47 Replies
Latest
Recommended
Magsulat ng reply
Kung freshly express po or pump, room temperature 4-6hrs. Kapag po inyong inilagay sa ref ang gatas, tatagal ito ng 3-5 araw, pag hindi po naconsumed ilalagay na po sa freezer. Kapag naman po na-thaw na ang galing sa ref, 2hrs dapat maconsume na po ni baby, may sinasabi sila na 24hrs pero ako kasi sinusunod ko yung 2hrs. Kapag naman frozen milk, timatagal ito ng 3-4 na buwan depende sa klase ng freezer, kung yung chest freezer hanggang 6months. Sana makatulong.
Magbasa paRelated Questions
Trending na Tanong
Preggers