Giving birth
Gaano po kasakit manganak? First time po and kinakabahan dn po.

Para sa akin Mi, masakit. Hindi ko pa nga alam na dapat na ako manganak, bale EDD ko nun sa first born ko, December 4. Pero December 3 hindi pa ako nakakafeel ng kung ano, syempre first time mom nun kaya medyo anxious kaya nagpacheck up ako sa OB ko. Sabi, magpa-admit na raw ako since konti na lang daw pala fluid ko. So shookt ako, haha. Ayun, kinagabihan nagpa admit na ako sa lying inthen binigyan ako ng pampahilab. First few hours wala pa naman ako na-feel, then mga madaling araw ayun nakakafeel na ako ng contractions. NAPAKA SAKIT FOR ME. Hindi ko maexplain ano mafefeel ko, kasi masakit hindi ko alam saan ang masakit. Tyan ko ba, pempem, pwet, o lahat ng yun ng sabay. Para bang natatae ka na, na gusto mo na matae pero hindi pa pwede? From 2cm, nag 4cm, then 8cm. Medyo mabilis progression. Sabi, kumain daw ako before delivery para may lakas. Pero yung lakas ko, naubos na sa pag iyak ko tska pag s-squat at pag ikot ikot sa higaan dahil hindi na talaga ako mapakali sa sakit. Sa isip ko nun, gusto ko na lang manganak na para tapos na yung sakit huhuhu. Then Dec 4, hapon. Nanganak na me. Parang wala na akong mai-ire. Tinulungan na lang ako ng mga midwife/nurse, kasi natagalan din. HAHAHA. Also, hindi naman ako dapat pupunitin or hihiwain. KUSANG NAPUNIT MI. Like habang nanganganak, NARAMDAMAN KO RIN YUNG KUSANG PAGKAPUNIT LIKE?? HUHU. After delivery, tinahi. Pati yun naramdaman ko, kada hila kada tahi, ramdam ko. Hindi pa pala ako namanhid pagkapanganak, haha. Normal Delivery naman. 1 month akong nagb-bleed, then the following month, nagka regla na ulit. So regular na ulit mens ko, edi wow. Haha. But any, depende pa rin sa experience. Huhu YOU CAN DO IT π«ΆπΌ
Magbasa pa

