Normal lang ba ang laki ng tiyan ni baby?

ftm po ako, normal lang po ba pag ganito ang tiyan niya? malakas po syang dumede pero breastfed po sya at nababahala po kasi ako dahil may kaunting jaundice din po sya..

Normal lang ba ang  laki ng tiyan ni baby?
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipacheck up niyo po sa gastro pedia mi medyo dilaw lang baka mataas ang bilirubin. Parang di normal yung laki ng tiyan at pusod ni baby nakalabas na. Anak ko kasi before nadiagnose ng Biliary Atresia halos ganyan ang tiyan nila. Nag uugat na malaki ang tiyan para mapanatag po kayo.

3w ago

Hindi po mapeprevent mii wala sa food intake ni mommy nung nagbubuntis or genes. Nasa structure kung paano daw nabuo. Underdevelop ang bile ducts niya kaya kahit kami di makapaniwala. May KASAI surgery na tinatawag at ang golden month is with in 3 months lang kasi kung di siya nakasai at lumagpas na sa golden months transplant diretso ang gagawin simce di na nga makafilter ang liver niya sa toxins dala na rin ng mataas na bilirubin na nakabara kahit makipot or blocked ang bile ducts papuntang liver na later on magcacause ng cirrhosis. You can research po about dito. Maraming lab tests tapos nung kinasai si baby sinabay namin ang ipatest ang liver sample para malaman status ng liver niya.