Stretchmarks
FTM po ako 26weeks. tanong ko po kung pagnanganak na mawawala din ba yung stretchmarks? Ilang weeks po kayo nagumpisa magkaroon ng stretchmarks? Ano po kaya pwede ilagay para di na dumami pa?
usually naiiwan ang stretch mark after manganak.. pero may mga product na khit papaano ay nakakabawas ng visibility ng stretchmark.. pero masmabuting isipin natin na sa kabila ng pagkakaroon ng stretchmark, tanda ito nang minsan ay may isang anghel na dinala at inalagaan natin sa loob ng ating tyan... iyon ang essence ng pagiging ina.🤗
Magbasa paHindi po totally nawawala ang stretchmarks mommy. Pwede lang syang maglighten at magblend sa color ng balat. Depende po kung kelan lalabas ang stretchmark. May mga preggy po na di nagkakastretchmark or minimal lang while yung iba marami. Nakadepende po kasi sa elasticity ng balat. Pag nabanat at di ganun kaelastic ang skin mo, expect na magkaka stretchmarks ka.
Magbasa paSad to say mamsh pero di na po mawawala yan. Mag lalighten lang po siguro pero never na mawawala. 20 weeks ako nung nagkaron ng stretchmarks depende din po kasi yan sa skin type ng mommy. Meron pa nga po ako sa boobs. Pero okay lang kasi ntatakpan din naman ng damit. 😅 Oks lang yan mamsh, magandang souvenir satin yan ni baby ❤️😊
Magbasa paNever ako nag kamot ng tummy ko during my pregnancy pero nagkaroon ako ng stretch marks on my 38th week. Based on my experience wala akong nilalagay anything kasi kusa lang daw mag lighten. Treat that as your baby's creation momsh para hindi ka masyado mag worry sa stretch marks mo 😊
35weeks ako nung nag start magkaroon ng stretchmarks tapos sobrang lala. Biglang laki kasi ni baby sobrang na stretch yung tyan ko. Tipong di makati.. mahapdi sya kasi banat na banat. Bio oil pinapagamit sakin ni ob. So far, di na mahapdi mga stretchmarks ko pero andun pa rin sila.
37weeksand4days na po ako pero wala nmn ako stretch mark,wag mo po kamutin mamsh kapag makati po gamit ka suklay pangkamot para iwas stretch mark ,yan po kasi sabi sa akin and totoo po sha.. Try nyo lang wala nmn mawawala para di dumami ..
Pwde sya mag lighten pero hindi na po sya mawawala may mga pinapahid yun iba nwwla dw pro depende pa rin po yun sa balat u most of the time po tlga hnd po 😊 be proud nalang po kase thats a symbol na nakapgbgay tau ng buhay
Turning 36 weeks tomorrow wala papong stretchmarks sa tummy pero sa boobs meron slight, lotion lang po na may moisturizer nilalagay ko mami every after maligo and before po matulog hehe. I hope makatulong po
mas mganda mommy kung mejo maaga pa ng lotion kna atlis bago sya nabanat sana e malambot na ung balat mo at d mngangati hbng ngsstretch. pero sa nging case ko di po ako ngka stretch mark kc malaki po tlaga ang tyan ko 😆
Ako mommy, wla po ako kahit isa na stretchmark sa tummy. Peru sa boobs meron, mga 4 months ata nagsimula naglabasan stretchmark ko sa boobs. Now on my 8th month na, lapit na labas baby ko sa susunod na buwan.
full time happy mommy