Richelyn Catamco profile icon
SilverSilver

Richelyn Catamco, Philippines

Contributor

About Richelyn Catamco

Excited to become a mum

My Orders
Posts(8)
Replies(20)
Articles(0)

Our Labor Story

I just wanna tell you mga mamsh about sa labor ko.. Nag start ako ng labor 7 pm ng July 18,since kaya ko pa ang sakit hindi mona kami ngpunta ng hospital. Past 11 oclock du na kami nag decide mag punta na sa kasi palala ng pala na yung sakit. Pagdating ko IE agad ako at 6 cm na ,nagbloody show na ako then going to delivery room na but unexpected happen . Past 12 hanggang four in the morning di pa rin ako nadala sa delivery room .. Gusto ko na mag iyak sa sakit ,tapos parami ng parami na yung dugo na lumalabas. 4:30 saka pa ako nadala pero waiting ako . Mamsh sobrang sakit yung tipong gusto ko na umire pero hindi pwde. 6 oclock in the morning nag IE sa akin ulit ,umiyak talaga ako kasi grabi maka IE yung doctor sagad na sagad tapos pina pagalitan nya pa ako bakit ayaw ko daw mag pa transplant para sa family planning. Kada tanong nya sinasagad nya yung pag IE nya sa akin. Tapos bigla nya tinigil and then sabi pa ng doctor, 9cm naako ,bumaba daw ako tas mag lakad lakad bahala daw wala sha pakialam kung masakit na total hindi din namn daw ako marunong umire. Ayun naglakad lakad ako. Every now and then sumasakit na yung tummy ko at gustong gusto ko na talagang mag ire tapos pumutuk na yung panubigan ko .. 8 in the morning sa ka pa ako ina IE at pina Ire na ako while nag ire pinapagalitan nila ako.. Dahil sa offer nila na transplant. Mamsh di ko sila pinansin gusto ko na ilabas ang bb ko dalawang ire ko lang lumabas na bb ko .. Naiyak ako sa tuwa sa wakas nakita ko na bb ko . Worth it lahat ng sakit. Yung mga doctor at nurse talak pa rin ng talak pati matagal talaga nila ako nilinisan para malipat sa recovery room. Tiniis ko talaga lahat makita ko lang bb ko na safe at healthy.. So kahit ganun ang doctor at nurse na nag aasikaso sa akin thankful pa rin ako. Salamat sa mga sermon nila at sagad sagaran na pag IE.. 😊😊 My baby ELISHA MAE C.ABAPO.

Read more
Our Labor Story
 profile icon
Write a reply