Nagpump for 3 weeks tapos gusto na magpabreastfeed
Hi, ftm po. 3 weeks na po si lo. Mix feed po sya. Nagpupump po ako for 3 weeks kasi flat nipple ako. Umiiyak si lo kapag naglalatch sakin kaya no choice po ako para ipump at ipainom sa kanya. kanina po, triny ko ulit ipalatch. Naglatch po sya. Ask ko lang po kung pano po gagawin ko, kung gusto ko na po magpabreastfeed, itigil ko na po ba ang pumping? Natatakot po kasi ako na nagcacause daw ng mastitis ang early pumping. and ano pong gagawin sa letdown? Hayaan ko lang po ba muna na tumulo? Sorry po. Gulong gulo ako. Di ko po alam pano magsisimula sa breastfeeding journey ko. TIA.