Kaunti ang breastfeeding

Hi ftm here. Mama ko lang katuwang ko sa pagaalaga sa anak ko. Lagi niya sinasabi kapag di nakakatulog agad si baby ko or iyak ng iyak kaunti ang breastmilk ko. Sabi ko naman bakit nakakatulog si baby kapag pinapadede ko sabi nya ganon daw talaga pero di daw ibig sabihin busog. Napapagod din ako kakapadede buong araw kaya humihingi ako tulong sakanya. Siya din nagsabi na onti gatas ko kaya dapat mag mix feed kami. Di ko pa alam weight ni baby ngayong 8 weeks na siya pero mataba naman siya. Nag bote sya twice a day the rest breastfeed on demand na kami. Nagaalangan lang ako bakit ganon lagi sinasabi niya kapag ipapaalaga ko si baby sakanya? Take note two months nya lang din ako breastfed non. Balak ko na tumigil I feel di enough yung sa breastmilk ko bakit try pa? ๐Ÿ˜ญ Hays. Hirap maging nanay. Ayaw naman ng asawa ko magstop ako eh yun nga ayoko na marinig na onti gatas ko bakit pa ko nag breastfeed pala?๐Ÿ˜ญ Help. #advicepls

Kaunti ang breastfeeding
24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

push niyo lang mommy ang breastfeeding kasi dami talaga benefits. lalakas din po milk niyo. struggle ko din yan before. after 2months dun lang umayos milk supply ko. basta padede lang po ng padede. Inom lang po kayo madaming water tapos masasabaw na may malunggay. lalakas din po yan. yung sa iyak naman ng baby po, normal lang na naiyak talaga. hindi po ibig sbhin nung iyak nila is lagi gutom. madami po factors since nag aadjust pa po sila sa outside world. Kung kaya niyo po na wag intindhin sinasabi ng iba na mahina milk niyo, mas okay po, kasi isa din sa factor ng paghina ng milk is yung stress po. kaya niyo po yan mommy.. โ˜บ๏ธ

Magbasa pa

Hi mommy.. I feel you, ganyan din sitwasyon ko, sinasabi din sakin ng mama ko na nakukulangan si baby sa breastmilk ko kaya minsan d makatulog kaya mix feed din l.o ko. Basta tuloy mo lang ibreastfeed, makikita mo naman sa diaper nya kung marami sya ihi galing sa pagpapadede mo. mag take ka din ng mga lactation drinks, cookies at vitamins pampaboost ng milk supply mo. Kung d talaga kaya na exclusive bf, imix feed mo nalang sya kesa mastress ka dahil konti pa milk mo, ang mahalaga ay busog si baby. Goodluck mommy!

Magbasa pa

Inom ka ng sabaw ng malunggay sis or malunggay capsule basta lagi lang ulamin mo may sabaw. ako kapapanganak ko lang dec 28 baby boy, 2nd baby kona nadede pasakin yung baby girl ko na panganay ngayon lumabas na si baby breastfeed ako, nong nasa hospital ako puro sabaw iniinom ko kase CS ako bawal pa ma kanin o matitigas. kaya until now masakit dede ko dahil madami laman, pinapadede kona nga sa panganay ko dahil di lahat madede ni bebe, breastfeed na ako at mixed siya para mas lumusog. Sabaw lang ng sabaw sis

Magbasa pa
VIP Member

Ma unli latch lang, enough yung milk mo lalo na kung nakakasleep sya pag pinapapadede mo. Basta consistent yung pawis, wiwi at poops nya walang problema. Pag nag mix feeding ka lalo kang mawawalan ng supply kasi supply and demand yang breastfeeding the moment na ipalatch mo lang sa kanya ng paulit ulit magsesend ng signal sa brain mo na need ng madaming milk and it will produce. Again feed by demand. For the supplements you can take malunggay capsules, m2 malunggay tea, kain ng masasabaw and avoid stress.

Magbasa pa
VIP Member

Hello po. Ganyan po talaga ang mga oldies. They feel na same sa situation nila lagi ang nangyayari ngayon, kaya yung advice nila ay base sa pinagdaanan nila before. Kahit ako naadvice din na mag mixfeed nuon dahil di daw mataba, pero upon check up pang 1 year old na yung timbang ng baby ko at 5 months ๐Ÿคฃ di lang talaga sita tabain tignan. Magpadede parin po kayo ng magpadede. Mahirap pero turuan niyo po sarili nyo na wag damdamin yung sinasabi ng iba or family.

Magbasa pa

Padede lang po kayo ng padede. Minsan akala lang naten wala sila naiinom. Pag nagmix po kayo, baka mas mabawasan yung supply nyo dahil mababawasan din ang demand galing kay baby. Di ko naman po nilalahat pero ganyan din yung nangyari sa ate ko, pinag mix feeding ng nanay namin. ๐Ÿ˜… parang mahilig sila magsabi na kulang. Pero nung sa baby ko na po, pinush ko talaga EBF kami. Hanggang ngayon na 6 months na si baby.

Magbasa pa
3y ago

Hilig nga po magsabi ng kulang ganon daw po kasi siya (mama) noon. Gusto ko nga ebf kaso lapit na din pasok ko di ko na alam paano

Unlilatch lng mi and pump after latch ni baby. Ung bm kasi natin by demand ng baby. Yung dami ng milk natin sapat lng for ur baby. Kung gusto mo dumami empty mo lagi boobs mo after latch nya pump ka para magsignal body mo na need pa ni baby ng milk gawin mo yan lagi. Ganyan gngwa ko dati nung nka ml pako and nakakaippn din ako ng milk niya kaya kahit balik to work nako iniinom nya breastmilk ko padin.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din po sabi ni Mama sa akin hehe.. Pero tinuloy-tuloy ko lang na padedein si baby.. At hanggang ngayong 2yrs and 4months na siya nadede pa rin siya sakin.. Mga 1month lang kami nagmix feed kay baby nung bumalik lang ako ng work pero nagresign na ako para ebf lang siya hanggang ngayon.. Wag mo lang po pansinin at wag pakastress sa sinasabi nila.. Hehe.. Dadami rin po gatas mo mommy..

Magbasa pa
VIP Member

mumsh same tyo. ganyan ung mama ko noon kapapanganak ko lng sinasabihan nya ko palagi ma magmix feed kc d enough ung breastmilk pero d ko sinukuan. padede padn kht ano sabihin nila magtiwala ka lng sa sRili mo na dadami yang breast milk mo . ngaun ok na ung breastmilk ko madami na right food and supplement lng mumsh ๐Ÿ˜Š take ka natalac capsule tska madaming tubig

Magbasa pa
TapFluencer

Hindi po napupump lahat ng milk. As long as di po underweight si baby, enough ung urine nya at di dark yellow, hindi dehydrated or di nanunuyo ung labi, meaning enough po ang milk. Wag myo i mix feed ang bata. Ang breastmilk ay may law of supply and demand. Pag di mo pinapadede lagi iisipin ng katawan mo di need ng milk kaya konti lang ipproduce .

Magbasa pa