Kaunti ang breastfeeding

Hi ftm here. Mama ko lang katuwang ko sa pagaalaga sa anak ko. Lagi niya sinasabi kapag di nakakatulog agad si baby ko or iyak ng iyak kaunti ang breastmilk ko. Sabi ko naman bakit nakakatulog si baby kapag pinapadede ko sabi nya ganon daw talaga pero di daw ibig sabihin busog. Napapagod din ako kakapadede buong araw kaya humihingi ako tulong sakanya. Siya din nagsabi na onti gatas ko kaya dapat mag mix feed kami. Di ko pa alam weight ni baby ngayong 8 weeks na siya pero mataba naman siya. Nag bote sya twice a day the rest breastfeed on demand na kami. Nagaalangan lang ako bakit ganon lagi sinasabi niya kapag ipapaalaga ko si baby sakanya? Take note two months nya lang din ako breastfed non. Balak ko na tumigil I feel di enough yung sa breastmilk ko bakit try pa? ๐Ÿ˜ญ Hays. Hirap maging nanay. Ayaw naman ng asawa ko magstop ako eh yun nga ayoko na marinig na onti gatas ko bakit pa ko nag breastfeed pala?๐Ÿ˜ญ Help. #advicepls

Kaunti ang breastfeeding
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

push niyo lang mommy ang breastfeeding kasi dami talaga benefits. lalakas din po milk niyo. struggle ko din yan before. after 2months dun lang umayos milk supply ko. basta padede lang po ng padede. Inom lang po kayo madaming water tapos masasabaw na may malunggay. lalakas din po yan. yung sa iyak naman ng baby po, normal lang na naiyak talaga. hindi po ibig sbhin nung iyak nila is lagi gutom. madami po factors since nag aadjust pa po sila sa outside world. Kung kaya niyo po na wag intindhin sinasabi ng iba na mahina milk niyo, mas okay po, kasi isa din sa factor ng paghina ng milk is yung stress po. kaya niyo po yan mommy.. โ˜บ๏ธ

Magbasa pa