Kaunti ang breastfeeding

Hi ftm here. Mama ko lang katuwang ko sa pagaalaga sa anak ko. Lagi niya sinasabi kapag di nakakatulog agad si baby ko or iyak ng iyak kaunti ang breastmilk ko. Sabi ko naman bakit nakakatulog si baby kapag pinapadede ko sabi nya ganon daw talaga pero di daw ibig sabihin busog. Napapagod din ako kakapadede buong araw kaya humihingi ako tulong sakanya. Siya din nagsabi na onti gatas ko kaya dapat mag mix feed kami. Di ko pa alam weight ni baby ngayong 8 weeks na siya pero mataba naman siya. Nag bote sya twice a day the rest breastfeed on demand na kami. Nagaalangan lang ako bakit ganon lagi sinasabi niya kapag ipapaalaga ko si baby sakanya? Take note two months nya lang din ako breastfed non. Balak ko na tumigil I feel di enough yung sa breastmilk ko bakit try pa? 😭 Hays. Hirap maging nanay. Ayaw naman ng asawa ko magstop ako eh yun nga ayoko na marinig na onti gatas ko bakit pa ko nag breastfeed pala?😭 Help. #advicepls

Kaunti ang breastfeeding
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ma unli latch lang, enough yung milk mo lalo na kung nakakasleep sya pag pinapapadede mo. Basta consistent yung pawis, wiwi at poops nya walang problema. Pag nag mix feeding ka lalo kang mawawalan ng supply kasi supply and demand yang breastfeeding the moment na ipalatch mo lang sa kanya ng paulit ulit magsesend ng signal sa brain mo na need ng madaming milk and it will produce. Again feed by demand. For the supplements you can take malunggay capsules, m2 malunggay tea, kain ng masasabaw and avoid stress.

Magbasa pa