First Time Mom

Hello, as FTM ano po mga newborn diapers ang una nyong binili na hiyang mostly sa babies?

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung NB si baby nagtry ako ng kleenfant 2 packs.pero hindi hiyang baby ko namumula ang singit nya pag nababad sa ihi kaya nun naubos na yun pinaltan ko agad kasi baka maging rashes pa.ngtry ako unilove airpro ang ganda ng diaper na yun cloth like.medyo pricey lang for me pag hindi nakasale kaya mas ok bumili pag sale sa lazada or shoppee malaki madidiscount mo.then nung nag size small na si baby mas mahal na ang diaper kaya ngtry ako other brand,ngtry ako korean diaper kasi madming reviews na maganda,so far maganda nga pero hindi ko un gngmit sa gabi.pang umaga lang talaga kasi pra iwas abala narin.bale nggmit ko rin nmn ung korean ng maximum of 4 hrs pag ihi lang tlga.ngttry pdn ako ng other brands syempre mas gusto ko din makatipid at the same time syempre dpt hindi magkarashes si baby,ngtry nmn ako ngaun ng merry care,natry ko rin ng gabi ok ang quality pero di ko prn maiwan si unilove hehe.bale stock ko lang muna pra hbng ngttry kmi ng ibat iba brand na mura.so far d p nmn ngkarashes baby ko.😁

Magbasa pa

sa NB that time loyal ako sa pampers kasi yun ang diaper ng panganay ko.. tinry ko din EQ dry.. maganda naman kaso medyo magaspang yung loob.. tapos nakilala ko si Unilove na soft cloth like talaga tapos mas affordable pa kaya nag switch ako nun sa Unilove Airpro.. til now 22mos na baby ko naka unilove pa rin kami.. pero for me try mo tig oonti lang para makita mo anu hiyang ng baby mo.. hiyangan din kasi yan... at kung nagpapabreastfeeding ka i suggest wag ka bumili ng mahal na diaper.. para kang nagtapon ng pera dede-poop agad si baby pag BF... basta kung bibili ng affordable yung kilala na at wag yung generic brands na nabibili lang na naka plastic kasi d mo sure kung safe ba gamitin yun kay baby.

Magbasa pa
1y ago

true po,madalas pa kung kailan bagong palit tsaka magpopoop

Hiyangan kasi ang diapers mommy pero ang ma-recommend ko sayo is Pampers. Dati kasi nung NB pa si baby yung Lampein pinapagamit ko pero di pala hiyang si baby kasi laging may rashes kaya nag change ako to Unilove ayun grabe humiyang talaga ang baby ko then hanggang sa now nag Unilove ako pero nag try ako ng other alternatives na madalian na mabili sa supermarket if ever out of stock ayun sinubokan ko ang Pampers, Happy and Huggies. Yang mga diapers na yan my e nahiyang si baby. Try nyo po muna ang pampers. Maganda po ang pampers kahit na mejo pricey. Okay din ang EQ

Magbasa pa

Hello nung NB si baby LO ko nagtry ako ng Unilove Diaper. Tips ko lang po sana na: 1. Huwag munang bumili ng madaming Diaper mas okay na sumubok muna ng isang pack ( mas okay na malaman kung hiyang ba si baby sa Diaper na napili. 2. Basa din po tayo ng mga reviews sa ibang ibang Diaper ( madami na po Online article and YouTube po) 3. Dapat swak sa ating budget po. 4. Huwag matakot na kapag hindi hiyang kay baby ang gusto mong Brandon ng Diaper ay yun ang pipiliin or kung ano po ang mas sikat na brand. Mas mahalaga po ang kalusugan ni baby. SKL ko lang. Salamat po

Magbasa pa

Baby ko Pampers nung new born and huggies nag switch ako ng ibang brand kc palit ng palit ng diaper si baby mabilis mapuno. hindi wais ang mahal na brand at premium diaper kung di naman super sensitive baby mo. then nag switch aq to EQ Dry nung medyo mataba na si baby pra ok ang fitting sa knya at never sya nag ka rashes. tska mommy advice ko mas ok ang palit ng palit ng diaper iwas UTI po. baby ko never nagka UTI kc hindi ko pinapapuno ang diaper nya. kaya good choice skin si EQ Dry kc sulit at safe kay baby di aq nag worry kht makailan palit ng diaper kc mura.

Magbasa pa

Try all brands po bago kayo bumili nang maramihan. Based on our trials po ito po ang top 3 namin: 1. Moony (pricey Japanese brand) 2. Rascal Friends 3. Hey Tiger (cheaper version ng Rascal Friends) Since NB yan, marami kayo magagamit pa diaper, so kahit Hey Tiger muna. Kami, since hindi na NB, ginagawa namin RF sa umaga, then isang Moony sa gabi bago matulog, magdamag na un.

Magbasa pa

sakin ung tig 2 pesos isa 🤣🤣🤣 chinese diaper repack . 100 pesos lang ung 50 pcs kaya bumili ako 100 pcs kasi 200 taz minus pa sa 70% sa shopee. ang ginagawa ko lang para di mag rashes . pag pinapalitan ko . Hintayin ko muna matuyo unv pwet. at Ung ari ni baby . 2 weeks na namin ginagamit hindi pa naman sya nag rarashes . kahit ung kleenfant na nabili namin .

Magbasa pa

Please try Moose Gear Diapers. Premium quality, super absorbent, manipis (not bulky para sa maliit na built ng newborn) at higit sa lahat, very affordable. Meron ding umbilical cord cutout ang newborn size ng moose gear baby. 😊 try mo magcheckout nang nakalive sila momsh para mamaximize ang discount 😊

Magbasa pa

EQ. akala ko makakatipid ako, hindi pala. need mag change time to time kasi kung hindi magkaka rash si baby. nag switch ako sa huggies. pricey pero kahit 12 hours hindi pa lawlaw and no rash si baby. for me mas tipid yung pricey nga pero no need to change from time to time. from my 1st born to my youngest, huggies na kami. :)

Magbasa pa

Cloth diapers gamit namin. Pero to avoid rashes in general, kapag poops dapat ay wash with soap and rinse well with water. Yung lactic acid daw po kasi sa pupu yung nagko-cause ng skin irritation. That's as explained and advised by Dr. Mata: https://www.facebook.com/drmataexplains/videos/1278887422463883/

Magbasa pa