Labor Pain
FTM ako and sobrang natatakot ako sa kwento ng mga mommies sa paligid ko na masakit daw ang labor pain tapos gugupitin pa yung private part pag normal delivery. Based on your experience, how does labor pain feels like? #firsttimemom
labor pain mamsh yung kahit anong gawin mo hindi mo matatanggal ang sakit hehe mawawala lang sakit once na mailabas na si baby :) super worth it mamsh kahit ilang gupit pa gawin sa private part natin. Sisiw lang gupit sa kepay compared sa labor 😅 tapos tatahiin pa may anesthesia naman goodluck po. Pray at lakas po ang loob ang kailangan, have a safe delivery ♥️
Magbasa paftm din po ako mamshh hindi malaki si baby kaya awa ng Dios hindi naman nakakatakot ang experience ko panganganak. basta pray ka kausapin mo si baby na lumabas agad. maglakad lakad na kapag kabuwanan na. tsaka nagupitan din ako. iyon ung masakit pero light lang sakin kasi di naman nga ganun kalaki ang baby ko diet and prayer is your way to your labor journey
Magbasa pait's true po mi masakit talaga labor po pero advice ko lang sayo mi focus kalang and take deep breaths po talaga wag ka din po similar mas nakakapagod yun eh take deep breaths and find something you can grab on or may mahawakan ka sabi nila suklay raw pero ako di ko na apply kasi nakalimutan ko . Di po necessary magupitan mi as long as magkasya sa pwerta mo
Magbasa paHi mie..FTM din me..Last dec.2022 lang Ako nanganak..depende talaga sa pain tolerance mo..Kc Nung nag labor Ako tolerable Naman Yung pain.. nagulat pa nga Ako KC fully dilated na Pala Ako Nung pumunta kami sa lying in..pray lang Po mie tsaka kausapin mo SI baby..pasalamat talaga Ako nun KC di Ako pinahirapan Ng baby ko kahit na medyo Malaki sya..2.9kg☺️
Magbasa pa19 years old lang ako nung nanganak ako sa panganay ko tlga pong masakit pero sa sakit na yun ang iniisip ko yung baby ko , habang naglalabor ako iniisip ko na lang na mabilis lang to mamaya yakap ko na yung baby ko makikita ko na yung mukha nya , npaka risky nung edad ko nun gusto sna akong i-cs pero i insist na gusto kung maranasan ang normal delivery
Magbasa pabase on my experience Mi hindi masyadong masakit Ang labor ko dahil nadin sa mataas Ang pain tolerance ko, and actually Ang pagupit sa private part hindi masakit Wala ka talagang mararamdaman pero Yung pagtahi lang hahaha masakit Ang tahi kahit Sabi ng OB may anesthesia na daw pero ramdam na ramdam ko bawat pasok at Hila ng sinulid
Magbasa pax10 ng matinding dysmenorrhea pag labor lalo yung 6cm up na cervix mo kaya lakasan mo lang loob mo talaga. yung tahi umaabot sa pwet kadalasan kung matindi ang cut o punit. at malaki si baby, 2x na ko nagbuntis at nanganak. pag induced mas masakit pero worth it lahat ng pain. pag natural labor masakit pa rin pero di ka bibiglain.
Magbasa pamas masakit pag naka induce,,, yung tinabihan ka nalang ng OB mo pero sya ang nakatulog ako yung nagbbantay sa kanya 😂😂😂,,, triple kill pag naka induced almost 1 day din ako naka labor at 8 hrs induced.. sabi nga nila pain must be felt, But everything is all worth it ,lalo na mailabas mo si baby ❤️
Magbasa paFTM here. True,mamsh sobrang sakit ng labor. Akala konnga yung huling ere ko,huling hininga ko na rin 😂 Siguro dahil induced labor din yung sakin,kaya mas masakit compared s natural labor. Just pray lang habang ngli-labor ka, then practice deep breathing,wag sayangin ang energy sa pagsisigaw.
kakapanganak ko lang netong march 14, 2023 at hanggang ngayon sobrang sakit parin ng tahi ko naalala ko parin yong pagtahi saakin ng doctor na sobrang sakit halos sumisigaw na ako sa D.R dahil sa ramdam na ramdam ko yong pag tahi huhuhu ayoko na nakaka trauma talaga pero kaya mo yan momsh.