First time ko magpacheck up sa Health Center

May free na multi vitamins at etong booklet ♥️ #15weeks Shoutout team #September ♥️🤰

First time ko magpacheck up sa Health Center
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

free poba yang booklet? nkapag pa check up napo kasi ako sa center balik kopo sa 21 for my second dose sa anti tetanus, wala pa binibigay sakin na ganyang book hahahah 11weeks preggy❤️

maski ako nung buntis ako sa center din ako nagpapa check up binigyan din ako ng ganyang booklet pero c baby na ngayon ang gumagamit, ang laking tipid kc lahat ng gamot libre 😊

VIP Member

Same sa Center lang din ako nagpapacheck up same lang din naman ang process and may OB din naman. Tyagaan lang sa pagpila pero sulit kase libre ka sa lahat. TeamSept,30 ❣️

gusto ko sana sa center din since malapit kaso ang dami nila pinagawa na test kaya no choice kahit malayo dun nlng ako ulit sa lying in na pinag anakan ko. hehe

Same booklet po mamsh. kaso sa center namin walang binigay na vitamins . ang available lg sknila is yung binibili. wala dw silang stock 😞

madami din pla ang sept. buti pa kau may libreng vit. ako wla since 1st trimester lahat puro bili lagi wla stock ung center dito samen

TapFluencer

yan po ba ung purple booklet na sinasabi nila? sa private po kasi ako pero nakamaxicare kaya libre. hehe. wala kasi akong ganyan. 😅

Bakit ako nung nag pa checkup sa center 6weeks yung tyan ko non bakit di ako binigyan ng vitamins booklet lang😔😢

3y ago

May stock sila nakikita kona na nagbibigay sya sa iba na mga buntis mga 4months yung tyan non tapos ako na 8weeks palang ata ako non di ako binigyan ng vitamins sabi nila mga 4months nadaw ako bibigyan sabi ko naman di naman ako naglihi at di ko din namna yan maisusuka ee

ako sa private clinic gmstos nako 4k unang check up ksma n ung vitamins wla mn lng gnyn hehe

3y ago

samedt sis. nasa 3-4k kami sa 1st check up kase lahat na ng lab tests pinagawa namin. pero we also tried sa lying in. sabi din kase sakin nung isang doctor ko for family med, maganda daw hindi lang sa 1 hospital, dapat daw may record ka sa private, public or lying in para in case of anything, may mabilis ka matatakbuhan na hospital. kahit saan dun pwede.

ako na 500 ang bayad ng check up pero wlang booklet.. Punta dn Kaya ako ng center sa amin. 😅

3y ago

same tayo booklet mi,private ob ko bale ngtest hiv lng ako sa center kc libre binigyan nila ako ganung booklet hiv test lng sadya ko nun sa center.